Nagkasundong iurong na ang kaso Yasmien Kurdi at Baron Geisler, nagkaayos na!

NAALIW NAMAN AKO kay Susan Roces (na type kong tawaging Manang Inday) nang nagkita kami sa presscon ng bagong endorsement niyang Ritemed nu’ng kamakalawa lang. Kasi ang kinis-kinis ng balat niya at ang ganda pa rin niya na napaka-positive ng aura.

In fairness kay Manang Inday, wala siyang iniwasang tanong. Lahat sinagot niya at napaka-positive ng mga sagot niya. Nakikita mo talagang masaya siya sa buhay niya kaya naman nandiyan pa rin ang paggalang sa kanya ng industriya at in fairness, ang dami pa rin niyang projects.

Maganda nga itong endorsement niyang Ritemed dahil ‘yun nga raw ang isa sa misyon niyang makatulong sa mga mahihirap. Itong mga gamot ng Ritemed ay mura lang talaga kung ikumpara sa ibang gamot na napakamahal. Kaya wagi ang linya niyang “Bawal ang Mahal!”

Doon sa presscon nito, ang daming napag-usapan at sinagot naman ni Manang Inday, gaya nitong posibilidad na makatrabaho niya si Lovi Poe.

Sabi nga niya, magmula pa noon ay wala raw siyang tinanggihang artistang makakasama kaya baka posible ‘yun. Iginagalang daw niya ang desisyon ni Lovi sa kanyang pag-aartista at kung anong career path ang gusto nitong tahakin kaya wala raw siyang masasabi pa roon.

Nu’ng tinanong nga si Sheryl Cruz tungkol diyan, bago raw niya tinanggap ang Bakekang, kung saan naroon din si Lovi, nagpaalam daw siya sa auntie niya kung okay lang at hindi naman daw siya pinigilan.

Pahayag pa nga ni Sheryl, sana huwag gawing malaking isyu pa ang sa kanila dahil kung ano man daw ang naramdaman ngayon ni Manang Inday kay Lovi, nasa kanya na lang ‘yun at huwag nang palakihin pa.

Pero malinaw at kagalang-galang ang mga pahayag ni Manang Inday, kaya lalo namin siyang minahal at nanatili pa rin siyang Reyna ng Pelikulang Pilipino.

 

ANG DINIG KO, nagkaayos na raw sina Baron Geisler at Yasmien Kurdi? Nagkaroon yata sila ng presscon kagabi kasi nagkausap na raw ang mga abogado nila.

Napagdesisyunang iurong na lang ni Yasmien ang kasong Acts of Lasciviousness na isinampa niya noon kay Baron at talagang mag-move on na sila.

Nag-apologize na rin naman si Baron at siguro napag-isip-isip nilang magastos ang may kaso, ‘no! Tapos ang bagal pa ng takbo nito kaya mabuting magkaayos na lang at magkapatawaran.

In fairness naman diyan kay Yasmien, iba na ang takbo ng isip nito ngayon. Naka-focus na siya sa pag-aaral niya at desidido siyang tapusin ang kursong Nursing. Kasali siya ngayon sa Amaya at ang laki nang ipinayat niya, huh!

Mabuti na rin iyan para tapos na at wala na silang dinadalang bigat sa dibdib, ‘no!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Nagkasundong iurong na ang kaso Yasmien Kurdi at Baron Geisler, nagkaayos na!

  1. Tama lang ginawa ni yasmien mgpatawad n lng paRa sa knila rin un.kapag nagkasama sila sa trabaho.sya naman ang manghipo sa etits para amanos lang hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.