Nagkasabay sa panliligaw nag-duwelo

DAHIL KINAIN ng matin-ding selos, sugatan ngayon ang isang 27-anyos na binatilyo nang pinagsasaksak ito ng karibal ng dalaga sa panliligaw sa huli sa loob mismo ng bahay ng dalaga sa Barangay Santiago Norte, San Fernando, La Union.

Kinilala ang sugatang binatilyo na si Gengory Galvez, residente ng Barangay Sagayad sa nasabing lungsod.

Sa isinumiteng ulat sa San Fernando City Police Station, nadatnan umano ng suspek na si Eduardo Castañeda, ang dalaga at ang biktima na nilalanggam sa ka-sweetan habang nag-uusap ang dalawa.

Dahil hindi nakayanan ng suspek ang selos sa nadatnang eksena, walang atubiling inundayan nito ng saksak si Galvez gamit ang isang matulis na bagay, at masuwerteng hindi ito napuruhan at sa balikat lamang dumaplis ang ginawang pananaksak ng suspek.

Subalit hindi rin naman papa-agrabyado ang biktima at humantong ang dalawa sa rambulan, at doon na nagpambuno sa loob mismo ng bahay ng dalaga.

Agad namang rumes-ponde ang mga kapit-bahay ng dalaga ng makarinig ng mga kalabog at sigawan sa bahay nito at naawat din ang dalawang nagpambuno.

Samantala, agad namang nagtungo sa San Fernando City Health Office ang biktima upang ipagamot ang natamo nitong sugat.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.