Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot
Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si Karylle

ISINUGOD SA ospital nitong Lunes lang ng umaga si Richard Yap o mas kilala bilang si Ser Chief sa kinakikiligang teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Agad din daw na-discharge ang aktor mula sa emergency room matapos matignan ng doktor at malapatan ng kaukulang lunas.

Pero balik-taping daw agad si Ser Chief ng kanilang teleserye pagkagaling sa ospital.

Sa kasipagan ng leading man ni Jodi Sta. Maria sa kanilang tapings at kaliwa’t kanang commitments, hindi malayong ma-overfatigue ito.

Pero nothing serious naman daw, ayon sa kanyang business manager na si Kate Valenzuela, kaya wala na raw dapat pang ipag-alala ang mga tagahanga ni Ser Chief.

 

NAGKASABAY ANG pictorial ni Karylle para sa Belo Medical Group billboard kung saan ipinakita nito ang kanyang sexy back at ni Dingdong Dantes para sa isang glossy magazine sa studios ng A1 photographer na si Jun de Leon sa Makati kamakailan lang.

Nauna lang ng ilang oras ang photoshoot ng singer-TV-host-actress sa ex-boyfriend nito.

Pero ipinaalam ng mga tao roon sa kanya na nasa kabilang studio lang si Dingdong na ikinangiti lang ni Karylle.

Sa pagpunta ni Karylle sa restroom sa labas ng studios, nakabatian pa nito ang team ni Dingdong, habang ang aktor ay kasalukuyang inaayusan sa make-up/ dressing room sa loob ng kabilang studio kung saan magaganap ang kanya namang photoshoot.

Pero hanggang sa matapos ang pictorial ni Karylle bago ito bumalik ng ABS-CBN para sa Gandang Gabi Vice guesting, hindi sila nagkita at nagkabatian ni Dingdong.

Inaasahan ng mga tao roon na baka sa huling sandali ay maisip puntahan ng boyfriend ni Marian Rivera ang ex-girlfriend nito since okey na silang tatlo at pare-pareho na silang mga naka-move on at masaya sa kani-kanilang buhay-pag-ibig, pero nagkamali ang lahat, dahil hindi iyon nangyari.

Marahil nag-iingat lang si Dingdong na baka pagmulan pa ng anumang issue kung sakaling pinuntahan niya si Karylle sa kabilang studio at binati.

Huling nagkita sina Karylle at Dingdong sa grand opening ng isang Belo Branch sa Serendra sa The Fort early this year at ayon sa una ay nag-hi naman daw sa kanya ang huli.

Natuwa rin ang It’s Showtime host sa gesture na ipinakita sa kanya ni Marian nang magkita sila nu’ng 50th anniversary celebration ni German “Kuya Germs” Moreno sa Resorts World, dahil nakangiti raw ang aktres sa kanya pagkatingin niya rito pagdating niya sa venue. “That speaks for itself,” sey ni karylle.

 

HOW TRUE na umalis na raw ng kanyang condo unit sa Makati si Heart Evangelista kung saan mayroon ding sariling unit ang mga magulang nito?

Hindi raw alam ng mga magulang ng Kapuso star kung saan ito nakatira ngayon.

Eh, si senator-elect Chiz Escudero kaya may idea kung saan lumipat ng tirahan ang kanyang girlfriend?

 

GAANO KAYA katotoo na humina raw ang rating ng Apoy sa Dagat nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo at Piolo Pascual simula nang umere ang My Husband’s Lover nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa GMA-7, ayon sa isang may mataas na posisyon sa Kapamilya Network?

May katotohanan din kaya na nagiging pasaway na raw si Angelica sa kanilang teleserye? Dagdag tsika pa rin ng nasabing ABS-CBN insider. Although walang kongkretong dahilan kung bakit o paano.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

22 thoughts on “Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot
Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si Karylle

  1. Jusko! Nagmukhang desperadang fokfok si Karylle sa picture sa taas! No wonder iniiwasan ni Dong kasi baka puluputan siya ng tigang na lola niyo. If I know, pinagpapantasyahan pa rin niyan si Dong hanggang sa ngayon. hakhakhak!

    • FYI hndi kaya mukhang fokfok jan c karylle.. pictorial nga diba alangan nmang pang-manang ang susuotin niya isip’2 din pagmay time girl ..at isa pa may Bf na c karylle mas gwapo pa nga kay dingdong ..bakit pa nman niya papantasyahan c DD..

    • kasalanan cguro kung magmahal k ng iba, kasalanan b ni dingdong kung sinunod lamang nya ang tinibok ng puso nya. mismo galing sa bibig ni dong sa mga interview sa kanya n ist time makita nya sa SOp,pARA RAW SYANG NAKAKITA NG ANGHEL N BUMABA SA LUpA. AT MUla noon hanggang sa audition sa marimar, at habang nagtataping sila ng marimar ay tinago nya ang nararamdaman nya k marian until such time n puede  n.Remember umiyak   si dingdong ng patapos n ang “HSAT” Ilang years n sila ngayon sasabihin mo b n inakit lng ni marian si dong? kahit anong intriga at aninira k marian ay di natitinag si dong sa agmMAHAL K mr.

      • Anong kasalanan doon eh mukha naman talagang tuyot at dugyot si Karylle, kaya iniwan. Ang mga lalaki naghahanap talaga yan. Pag isang loser na tulad ni Karylle ang gf niyan, malamang iiwan talaga yan.

  2. MALAMANG MAY BASBAS NI MARIANITA ANG PANDEDEDMA NI DONG KAY KARYLLE NOH! KUNWARI LANG NAMAN YANG BATI-BAITAN SMILE NINA MARIANITA AT KARYLLE, KAPLASTIKAN LANG HAHAHAHAHA!

    • NOT NECESSARY TEH! TINGNAN MO BA NAMAN ANG DUGYOTING ITSU NI KARYLLE, MALAMANG SI DINGDONG NA MISMO ANG LALAYO SA EX NIYA, KNOWING NA DI PA RIN ITO MAKAMOVE ON SA KANYA. hakhakhak!

  3. HALA KAYO, ABS. PINAPAGOD NYO SI SIR CHIEF. REMEMBER, GOLD MINE NYO YAN. WAG PAGURIN. TEKA, MERON BA TLGANG DIAGNOSIS NA OVERFATIGUE? KALOWKAH! YAN ANG MGA SAKIT NG MGA ARTISTA LALO NA SA HOLLYWOOD. DEVAH MISS MARIAH CAREY?

  4. WHO CARES ABOUT GMA TELESERYES NA YAN, THEY CAME UP WITH THAT GAY CONCEPT DAHIL ALAM NILA THEY CAN NOT COMPETE WITH ABS AND THAT IS THE TRUTH!!! CLOSE GMA!!! I WOULD EVEN THINK OF WATCHING TWO GAY GUYS MAKING OUT !!! TALAGA GMA NAG IISA KA NALANG….. GO KAPAMILYA….

    • tama ka marina wala na kasi magawa at nilamon ng buobng buong ang mga primetime teleserye ng shite ….. they resort na lang sa imoral na beki serye para lang pag usapan

      • Kahit anong itapat ng EBS sa primetime shows nial, WALEY! Puro recycled na basura lang kaya ayun, tag-tsugi lagi! hakhakhak!

  5. Para ano pa’t babatiin ni Dingdong ang walang ka appeal appeal na Karylle na yan. Nagbilang ng taon bago nag ka BF ulit.. Ebidensya na appeal-less.Programa nya sa ASAP lang tapunan ng mga laos ng ABS.

    • hahaha! tapunan lang ng mga laos? Ang tanong, anong nangyari sa (mga) nakatapatan ng ASAP? Nasa bingit na rin ng kamatayan ang SOS ninyo. hahaha!

      • nanaginip ka ata  alfianing Balbas Sarado de lorenzoso, gcing gcing pag may time. tapunan ng Laos ang ASAP hahaha…kya pla hangang ngayon d nila matalo. at take note ultimo director ng kalaban nila pumupuri sa mga artista na nandon, kht dw gaano ka busy mga artista sa Asap, maaga papasok pra mag rehearse at sabay sabay sa production, d dw tulad sa knila, d na nga dw mga sikat, tatamad pa dw mag rehearse. dba nito lang yon ang comment ni regine, sbi nya mabuti nman sabay sabay na kayo ngayon.  

      • Mag comment kayo di sa column ko.. Nakikisawsaw pa kayo sa kin…. mga unghang.

    • Truth! walang kaappeal appeal si Karylle kaya kung saan-saan na lang tinatapon. Walang audience appeal, walang sex appeal, walang fashion sense. Mukhang manang na tigang lagi. hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.