Nagkapikunan sa inuman Kelot, kritikal sa bebot

KRITIKAL ANG ISANG kelot nang pagsasaksakin ng bebot na kainuman matapos magkapikunan habang nag-iinuman sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Lorenzo Sibusan, 34 ng Riverside, San Rafael Village ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na Babes Perez, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, 9:00 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek malapit sa kanilang bahay nang magkapikunan ang mga ito.

Nagbunot ng balisong ang suspek sabay pinagsasaksak ang biktima bago tumakas habang dinala naman si Sibusan sa TMC.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.