Nagkakagulo na at gustong sumama kay Willie Revillame: staff ng Pilipinas Win na Win, naglalayasan na!

TOTOO NGA BANG nakikipagnegosasyon na si Willie Revillame ngayon sa TV5?

May naka-sight daw kasi kay Willie habang nakikipag-meeting diumano sa ilang executives ng Singko after ng presscon nito kung saan sinabi niyang tumitiwalaga na siya sa Dos.

Sa Hotel Rembrandt daw nagtuloy ang grupo ni Willie matapos ang kanyang presscon last week.

Ang tsika pa, naroon daw sa meeting na iyon si Bobot Mortiz na kilalang kaalyado ni Willie. Best friends ang dalawa at ilang beses na silang nakitang magkasama noon.

Ang meeting ba na ‘yon, kung totoo mang nangyari nga, ay signal na lilipat na si Willie sa TV5?

May nasagap din kaming tsika na nagkakagulo na raw ngayon sa Pilipinas Win Na Win. Marami na raw kasi ang gustong sumama kay Willie. Marami na raw ang nagbabalak na layasan na ang show at ang network.

Nag-resign na si Jay Montelibano, ang Business Unit Head ng Pilipinas Win Na Win, at marami pa raw susunod na magre-resign.

‘Pag nangyari ito, baka mapilayan ang noontime show ng Dos. Kung sa bagay, hindi na naman talaga nagre-rate ang noontime show nila kaya nga ang ginawa nila ay ipinangtapat ang Showtime sa Eat Bulaga at medyo late na ang pasok ng show ni Kris.

NAINTRIGA ANG PAHAYAG ni Andi Eigenmann na mas close siya kay Jason Abalos kaysa kay Matteo Guidicelli.

Nag-react kasi si Matteo at na-hurt ito sa pahayag ni Andi.

“Pareho ko naman silang close. Pareho lang ‘yung level ng friendship. Pero ‘yung sinasabi ko na mas close ako kay Jason, makulit kami pareho at mas madalas kami magkasama,” paliwanag ng isa sa tampok sa Mamarazzi.

“He knows naman what I meant. Si Matteo, simple lang ‘yan,” sabi pa ni Andi.

Kasama ni Andi si Carla Abellana sa Mamarazzi and they share many things in common. Pareho nilang unang pelikula ang Regal film. Pareho silang may kamag-anak sa showbiz, si Carla ay anak ni Rey PJ Abellana at apo ni Delia Razon. Si Andi naman ay parehong artista ang magulang, sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Tanggap ni Andi si Carla kung magkakatuluyan sila ng pinsan niyang si Geoff Eigenmann.

“Carla and I are friends. She’s a woman of grace. You can see that by the way she carries herself. Why wouldn’t I like her for Kuya’s girlfriend?” sabi ni Andi.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleWillie Revillame, may bago nang noontime show sa TV5!
Next articleAng hapunan?! (Melissa Mendez)

No posts to display