Nagkagitgitan ang sasakyan… Driver patay sa mag-asawa at pinsan

TODAS ANG JEEPNEY driver matapos pagtulu-ngang paluin ng tubo ng isang mag-asawa at barilin ng pinsan ng mga ito nang magkagitgitan ang mga sasakyan ng mga ito sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala sa bibig at palo ng tubo sa ulo ay nakilalang si Ruben Villavicencio, 44, ng Cabatuhan Road, Deparo ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Julie Mabalot, 42 ng Yakal St, Deparo, habang pinaghahanap pa ang asawa nitong si Jovito Mabalot, 45 at pinsan na si Rodolfo dela Rosa na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong 9:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Deparo Road.

Kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang pampasaherong jeep (TVB-584) nang ma-kagitgitan nito ang Toyota Corolla (TDM-107) na minamaneho ng isa sa mga suspek.

Nauwi sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng mga suspek at makalipas ang ilang sandali nang bigla na lamang kunin ng mag-asawa ang tubo sa kanilang sasakyan at pinagpapalo sa ulo ang jeepney driver habang si dela Rosa naman ay binunot ang dalang baril at pinutukan sa bibig si Villavicencio.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.