Nagkaayos na rin
Willie Revillame, sorpresang dinalaw si Joey de Leon sa studio ng Startalk!

MARAMI ANG nagulat sa biglang pagsipot ni Willie Revillame sa studio ng Startalk sa GMA 7 para personal na ibigay ang birthday gift nito kay Joey de Leon.

Bago pa nagsimula ang Startalk, tumatawag na sa akin si Willie na nagtatanong kung puwede raw ba siyang pumunta sa amin sa studio para sorpresahin daw niya si Joey. Isi-celebrate kasi namin sa Startalk ang birthday ni Joey. Ngayong araw talaga ang birthday niya, pero sinilebrayt na ito nu’ng Sabado sa Eat Bulaga at siyempre sa amin sa Startalk.      

Siguro takot pa si Willie na puntahan ito sa Eat Bulaga kaya sa amin sa Startalk na lang niya gustong puntahan.

Sabi ko naman sa kanya, kung talagang gusto niyang puntahan, eh ‘di puntahan na niya!

Hindi ko na sinabi sa mga staff at kay Joey, at baka hindi naman ito matuloy. Nu’ng nakita ko na dumating si Jay Montelibano, ang business unit head niya, ay alam ko darating talaga ito.

Dumating nga siya na ikinagulat ng mga staff mula sa security guard, sa utility hanggang sa mga hosts at guests namin dahil hindi nga nila akalaing si Willie ang makikita nila sa bakuran ng GMA 7.

Siyempre, nagulat at na-touch si Joey dahil hindi niya akalaing pupuntahan siya ni Willie.

Sabi naman ni Willie, tamang timing lang daw at tingin nga niya ‘yun ang tamang oras na pagpunta niya para personal na kausapin si Joey.

Masaya naman silang nagkuwentuhan, pero masaya rin ang mga staff namin pati ang mga security guards dahil talagang dinatungan sila ni Willie.

Tuwang-tuwa raw si Willie sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga staff na lahat ay nagpalitrato sa kanya.

Sabi naman ni Joey, “’Yun lang ang masasabi ko na ako’y natutuwa talaga sa nangyari kay Pareng Willie, at maga-ling mag-alaga ng buhay niya ‘to.”

Sinasabi naman ng iba, hindi pa kumpleto ‘yan dahil wala pang asawa ‘yan. Sabi ko naman, iba ‘yun eh. Siya lang ang makakasagot nu’n.

Sagot naman ni Willie, “Ayoko, eh. Kasi may magti-text sa ‘yo na hina-hanap ka, hinahanap ka lagi, ano’ng oras ka uuwi. Ayoko nang ganu’n. Gusto ko, iba-iba ang nagti-text sa akin.”

Sabi naman ni Joey, ang mga fans at mga sumusubaybay raw sa Wil Time Bigtime ang inasawa na ni Willie dahil mas gusto raw nitong manilbihan sa mga fans niya.

At least masaya na lahat at natapos na ang isyu ni Willie kay Joey at sa mga taga-Eat Bulaga.

Malay natin baka susunod na mapanood natin si Willie sa Eat Bulaga na, ‘di ba?

 

NAKAKALOKA NAMAN si Alyssa Alano na habang pinag-uusapan ang pagbabati nina Joey at Willie, hindi rin siya nagpahuli dahil siya na ang pinag-usapan kahapon sa pagkaaksidente nito habang minamaneho ang kotse niya sa may Marcos Highway kahapon ng madaling-araw.

Kuwento ng manager niyang si Annie Ayroso, pauwi na raw si Alyssa ng bahay niya galing ng auntie niya nang biglang may sumalubong daw sa kanya na kotse na napakalakas ng ilaw. Nataranta raw ito, hindi ang brake na natapakan niya kundi ang gas kaya bumilis ang takbo at umikot daw ito at humampas sa may tulay ang kotse niya.

Total wrecked daw ang kotse nito, mabuti na lang at hindi raw nahulog sa tulay pero tumama raw ito sa isang bakal na tumusok sa tiyan niya.

Mabuti na lang daw sa may bandang tagiliran daw nito tumusok ang bakal kaya hindi siya gaanong napuruhan.

Pero nu’ng nakausap namin ang manager niya, ooperahan pa rin daw ito. Pero safe na raw ang sexy comedienne, kaya lang mukhang matatagalan daw ito sa hospital.

Sa Sabado pa naman namin i-celebrate ang 17th anniversary ng Startalk, na ewan ko kung kaya niyang makasama sa amin sa Sabado.

Hay naku! Kasi naman hindi na kumuha ng driver, eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Nagkaayos na rin
Willie Revillame, sorpresang dinalaw si Joey de Leon sa studio ng Startalk!

  1. ikaw ba naman bigyan ng louis vitton di ka pa makikipagbati followed by rolex watchs ahaha ..ikaw na joey ang pinaka plastic na tao sa mundo ng showbiz .. ikamusta mo ako sa puntod ni pepsi paloma

    •  ano ba yang pepsi paloma issue? wala na kasi kakampi si willie.. inaway nya sina john at randy……. ngaun tagilid na show nya  one digit na lang ratings nya

  2.  matulad yan sa sharon na dalawa lang commercial .. lugi si MVP ng one billion  nagpa uto akala nila malakas pa ang hatak ni sharon e matagal na di nag rate  ang show nya sa abs .dahit tumaba sya .. lalo na ngaun kalabaw na talaga ang laki

  3. gumagawa nanaman ng ingay yung malibog na mangagamit ng mga matatanda at bata! tumutulong kuno at awang awa sa mahihirap pwe! palibhasa one digit ang rating at nalalaos na kaya gumagawa ng eksena at ingay mapagusapan lang yang hudas na manyakis na yan!

    • malapit na kasi matigok ang show ni willie kaya gumigiik ……. one digit lang ang rating ng show nya… kung hindi yan namigay ng pera iwan lang kung my pupunta sa show nya.. pera lang ang habol ng manonood …  uto uto

  4. “Willie Revillame, sorpresang dinalaw si Joey de Leon sa studio ng Startalk!”

    Ka-showbizan to the max. LOL!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.