Nagitla sa 8 bolitas Tinanggihan ng GRO, nagmarakulyo

PIGIL SA paghagalpak ng tawa ang ilang miyembro ng Roxas City Police Station sa Capiz dahil sa kakaibang reklamo ng isang lalaki na hindi nakontento sa serbisyo ng binayarang GRO sa Plaridel St., Roxas City.

Ayon kay alyas Totoy, 35, driver, pumasok siya sa isang bahay-aliwan sa Roxas Avenue kasama ang kaibigan na isa ring driver.

Nilapitan sila ng bugaw kasama ang GRO na si alyas Michie at nag-alok ng panandaliang-aliw.

Dahil interesado sa naturang babae, kinuha ni Totoy ang serbisyo nito at nagbayad ng P400 sa bugaw.

Agad pumasok ang dalawa sa isang lodge sa Plaridel St. at habang nasa loob ng silid, tinanong pa raw ng lalaki si Michie kung makakaya nito ang walong bolitas sa kanyang ari.

“Oo” naman daw ang isinagot ng GRO at nagmayabang pa na kahit 24 oras ay kaya nito.

Ngunit pagkaraan ng limang minuto ay nadismaya si Totoy dahil agad na nagreklamo si Michie na hindi na nito kaya ang malaking ari ng lalaki na pinasukan ng walong bolitas.

Dahil dito, iginiit ni Totoy na dapat ay kasuhan ng estafa si Michie.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.