Naging mag-dyowa ba? Maxene Magalona at JC Tiuseco, split na raw! – Alex Brosas

UMALIS NOONG SABADO ng gabi si Krista Ranillo papuntang USA. Bibisitahin niya kasi ang kanyang kapatid na may sakit.

Ang nakakaloka lang sa kanyang pag-alis, may bodyguard na raw ngayon si Krista. Dati naman kasi ay wala siyang bodyguard kapag umaalis siya ng bansa.

At parang VIP nga raw ang turing ngayon sa airport kay Krista. Madali siyang nakapasok ng airport nang wala halos ka-effort-effort. Tulad din daw ito noong dumating siya ng bansa kung saan hindi siya dumaan sa regular na daanan ng mga pasahero kaya naman hindi namalayan ng entertainment media ng ilang networks na nakarating na pala siya ng bansa.

I’m sure, iintrigahin na naman ang pagpunta niya sa US dahil naroon si Manny Pacquiao ngayon para sa kanyang training sa bago niyang laban.

Napanood namin ang interview ni Suzette Ranillo noong isang gabi. Sinabi nitong mabait naman na pamangkin si Krista. At itinanggi niya na siya ang nagbitbit ng mga gamit ni Bianca King sa labas ng tent.

Ang nakakaloka, bakit hindi siya kaagad nagpa-interview at hinintay pa niyang lumipas ang isang buwan at saka siya nagsalita? Sa kanyang ginawa ay parang pinalabas niyang sinungaling ang nagsabi kay Bianca na siya ang nagbitbit ng gamit ng aktres para ilabas sa tent.

SPLIT NA RAW sina Maxene Magalona at JC Tiuseco.

Ang tsika, noong New Year’s countdown nag-break ang dalawa. Pagkatapos na pagkatapos ng countdown ng GMA-7 ay sinabayan nila ito ng paghihiwalay.

Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang ito na until now ay hindi maamin-amin na mag-dyowa nga sila.

Ngayon, natsitsismis naman na parang nagkabalikan na ang dalawa. Madalas kasi silang nakikitang magka-date at palagi pang magka-holding hands. Super sweet din sila kaya naman hindi mo aakalaing hindi sila mag-dyowa. Sa body language nga nila ay masasabi mong may relasyon na talaga sila.

Naku, Maxene at JC, kailan ba kayo aamin? Magpakatotoo nga kayo.

EXCITED NA EXCITED ang Brazilian model na si Daniel Matsunaga dahil first time niyang aapir sa isang fantaserye, ang The Last Prince ng GMA-7.

Today na mapapanood si Daniel bilang isang werewolf na mai-in love sa character na ginagampanan ni Kris Bernal.

“Okey po siya. Balita ko po kasi ay ito ‘yung unang acting career experience niya. Guwapo po siya at may potential. Marunong po siyang umarte,” say ni Kris na bida sa The Last Prince. “Nakikita ko po sa kanya na nasa puso po niya na gusto niyang umarte at nae-enjoy po niya ang ginagawa niya. Very open siya sa akin kapag may hindi siya naiintidihan at kay Ann Villegas na acting coach namin. Nakita ko po kung gaano siya ka-cooperative at kung marunong lang siyang mag-Tagalog, sisikat siya.”

“I’m Prince Nicolite here. I can be good, I can be bad, it depends on the situation. I enjoy working with Kris, she’s a very nice girl. I hope I have the opportunity to make everybody happy with my work,” tsika ni Daniel na nakilala sa isang toothpaste commercial with KC Concepcion.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Naging mag-dyowa ba? Maxene Magalona at JC Tiuseco, split na raw! – Alex Brosas

  1. Ang kapal ng pangit na Suzzette Ranillo na ito. Bulok ang pamilya ninyo. imoral kayong lahat mula s ananay mo hanggang sa kinukunsinti mong pamangkin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.