Naghihintay pa rin after OTWOL: Albie Casiño, gustong maging active ulit sa showbiz!

Albie Casino

MULA NANG MATAPOS ang romcom serye na “On the Wings of Love” nina James Ried at Nadine Lustre, medyo huminay-hinay showbiz career ni Albie Casiño.


Bumalik kasi siya sa pag-aaral tulad ng kuwento niya sa presscon noon ng pelikulang “Pwera Usog”ng Regal Films na siyang huling pelikula niya.

 

Ang last TV appearance naman niya was in Ipaglaban mo na isang legal-drama show ng Kapamilya network.

 
“Matagal na ‘yun. I can’t remember when,” papangiting kuwento sa amin ng binata sa media announcement ng 12 Official Entries para Pista ng Pelikula Pilipino na pakulo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumundo ng kanilang chairperson na si Liza Diño.
 
Sa all Filipino film festival na magaganap sa August 16-22, 2017 sa lahat ng mga sinehan sa bansa (we have almost 700 + cinemas nationwide); muling matutunghayan ang machong-macho na si Albie via the film “Triptiko”na mula sa direksyon ni Miguel Franco Michelena.
 

Director Miguel Franco Michelena

Isang trilogy ang pelikula na bukod kay Albie ay makakasama niya sina Joseph Marco, Kean Cipriano at Kylie Padilla.

 
 Sinimulan nila ang pelikula two years ago na naudlot hanggang matapos nila na tumatalakay sa tema ng suwerte; isang guwapong model na tinutubuan ng pigsa sa katawan at sa isang folk singer.
 
“Triptiko” is an anthology of stories about life can sometimes take unexpected turns. In Albie’s story kasama niya si Gerald Napoles,” kuwento ni Direk Miguel sa amin na napadpad sa filmmaking mula sa mundo niya ng pagke-create ng audio-visual presentations at mga TVC.
 
Sa kasaluluyan at habang hindi masyadong abala sa kanyang showbiz career ay sa studies niya naka-focus ang binata. Syempre, hindi mawawala ang happy lovelife niya without bitterness dahil sa non-showbiz girlfriend niya na ipinagmamalaki niya sa showbiz at hindi naman itinatago.
 
Pero sa usaping showbiz: “I want to go back to acting. I want to have a regular teleserye..”sabi ng binata.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.