Naghatid lang ng ka-live-in sa trabaho Kelot, niratrat malapit sa presinto

TIGOK ANG isang kelot na naghatid ng ka-live-in sa pinapasukang trabaho ng huli makaraang pagbabarilin ng apat na hindi pa kilalang mga suspek malapit sa Police Station sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Jimper Montallana, nasa hustong gulang ng Quezon City.

Sa ulat, alas-11 ng umaga, papasakay na ng motorsiklo ang biktima malapit sa Police Community Precinct 3 matapos ihatid ang ka-live-in na nagtatrabaho sa kalapit na Malabon City Square sa Dagat-dagatan Avenue, Longos ng lungsod nang pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan nag-iimbestiga na ang mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.