Naghanap ng away sa labas ng bahay Maingay na sekyu, todas sa nakasalubong

PATAY ANG ISANG guwardiyang maingay makaraang barilin ito ng kanyang nakasalubong nang magwala sa labas ng kanilang bahay at naghanap ng away kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang tainga ang biktimang si Roderick Montano, 35, may-asawa, security guard, ng Phase 4, Package 5, Block 30, Lot 4, Bagong Silang, Caloocan City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng Caloocan Police sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ng insidente, umiinom ang biktima sa kanilang bahay at ng malasing ay lumabas ito at nag-iingay hanggang sa na-buwisit ang nakasalubong nito at walang sabi-sabing binaril na naging dahilan ng kanyang agaran kamatayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sa di-malamang direksyon.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Naghanap ng away sa labas ng bahay Maingay na sekyu, todas sa nakasalubong

  1. Pingback: Naghanap ng away sa labas ng bahay Maingay na sekyu, todas sa nakasalubong - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.