Naghamon ng Away; Kelot, Grabe sa Tusok

PATAWIRIN ANG buhay sa pagamutan ng isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng  isang hindi nakikilalang suspek na nairita sa ginagawang paghahamon ng away ng biktima habang ito ay lasing sa alak sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Reynaldo Rosales, nasa hustong gulang, binata at residente ng ng # 87 Narag Alley, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), ang nasabing pananaksak ay naganap sa kahabaan ng Kataru-ngan Street bandang ala-1:24 ng madaling-araw.

Nabatid na lasing na naglalakad ang biktimang si Rosales sa nasabing lugar, kung saan ang bawat makasalubong nito ay pinagmumura at hinahamon pa ng away.

Isang hindi nakikilalang suspek ang nairita sa ginagawi ng una kung kaya’t  nilapitan ito ng huli at walang sabi-sabing pinag-uundayan ito ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksiyon.

Ilang residente sa nabanggit na lugar ang mabilis na nagdala sa biktima sa Manila Central University Hospital kung saan ito ay patuloy na inoobserbahan ng mga manggagamot.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng follow-up operation ang Caloocan PNP sa posibleng ikadarakip ng hindi nakikilalang suspek.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.