Naghahanda na rin sa pagpapakasal
Ai-Ai delas Alas at non-showbiz BF, nagli-live in na

KITANG-KITA MO ang saya sa mukha ni Ai-ai delas Alas nang naka-lunch namin ito nu’ng kamakalawa lang.

In love ang hitad dahil natutuwa siya at mag-iisang taon na pala ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Jed Salang.

Ang isa sa ikinatuwa niya, tanggap na tanggap daw itong lalaki ng pamilya niya lalo na ang mga anak niya.

“Daddy” pa pala ang tawag ng mga anak niya rito kay Jed at talagang close daw sa kanya.

Pati nga sa mga kapatid niya, malapit din itong lalaki, kaya wala silang problema.

Inamin ng komedyante at Box-Office Queen na nagli-live in na sila ni Jed at meron pa nga silang joint account.

Pinag-uusapan na kasi ang kasal, na dapat nga ay gagawin nila ngayong taon.

Nagkausap na raw sila ng pamilya ni Jed at nagkasundo silang meron dapat pre-nuptial agreement.

Kuwento ni Ai-Ai, ‘yun nga raw mismo ang gusto ng ama nu’ng Jed. Kung sila nga raw ang masusunod, ang gusto nila full ang pre-nuptial, na ang ibig sabihin hanggang sa mag-asawa sila, kanya-kanya pa rin sila ng kita at walang habol ang lalaki sa mga kikitain pa ni Ai-Ai.

Ayaw lang daw nilang mapagdudahang pera ang habol nila kay Ai-Ai.

Mas malaki nga naman ang kinikita ni Ai-Ai kung para sa kinikita nu’ng lalaki, pero hindi naman daw sila ‘yung tipong naghihirap o aasa lang kay Ai-Ai.

Matagal namang ipinagdarasal ‘yan ni Ai-Ai, kaya sana nga raw ito na ang bigay ng Diyos sa kanya. Deserving naman siyang lumigaya sa lahat na hirap na pinagdaanan niya.

Ngayon daw ay diyeta muna siya sa sex kasi may pelikula siyang pang-filmfest na Sisteraka. Matagal na niyang practice ‘yan na kapag may pelikula siya, wa sex ang hitad!

 

SA LINGGO na pala magsisimula ang Metro Manila Film Festival at bubuksan nga ito ng makulay na parada.

Iba raw ngayon ang parada dahil magsisimula ito sa Luneta, sa may Quirino Grandstand at magtatapos sa SM-MOA.

Iba na yata ang humahawak ngayon ng mga parada, pati ang programa, at dinig ko hindi na raw kinuha sina Kuya Germs na hahawak nito.

Naku, nagtampo ba si Kuya Germs.

Actually, ako ang aligaga diyan dati. Pero pagkatapos ng MFF scam, hindi na talaga ako nakikialam sa mga ganu’n lalo na ang mga awards night.

Ang abangan natin sa parada ngayon siyempre ang karosa ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako dahil alam ko, kinarir nila nang husto ang float na ‘yun.

Siyempre ‘yun lang ang nag-iisang fantasy comedy-action na entry kaya dapat bongga ang float.

Pambata kasi talaga ito, kaya inaasahan nang hahabul-habulin ito ng mga bata.

Si Juday ang tuwang-tuwa na ginawang December 23 ang parada, dahil meron na siyang panahon para makapagluto nang bonggang-bongga sa Noche Buena.

Sana tangkilikin natin lahat ang lahat na mga kalahok sa Metro Manila Film Festival.

 

ABANGAN N’YO pala sa Startalk bukas, dahil may exclusive interview kami kay Camille Prats na in love daw ngayon.

Kung sa bagay, bata pa naman itong si Camille kaya puwedeng magkaroon talaga ng panibagong relasyon ‘yan pagkatapos niyang nabiyuda.

Inamin niyang nakikipag-date siya sa isang miyembro ng Philippine Volcanoes pero ayaw niyang sabihin kung sino ito.

Ang alam namin, sumali ito sa nakaraang Bench universe kaya nandu’n pala si Camille na nanood. I’m sure suporta ‘yun sa taga-Volcanoes na ka-date niya.

Abangan n’yo na lang ‘yan sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Naghahanda na rin sa pagpapakasal
Ai-Ai delas Alas at non-showbiz BF, nagli-live in na

  1. MAGPAKASAL KA NA INDAY BAWASAN MO KASALANAN MO SA SOBRANG RAMI NG LALAKENG TUMUTUHOG SAYO. WALA KA RIN KASI PATAWAD INDAY EH PATI CALLBOY PINAPATOS MO EEIWWW

    • laos na patawa niya, hindi naman talaga tumatagal ang mga ganyang artista, saan ba pinulut yan diba sa comedy bar tulad din ni Vice, galing sa Comedy Bar, nakita ni ogie diaz, dinala sa abs cbn

Leave a Reply

Your email address will not be published.