Naggulangan sa pagkain Anak, inispin ng ama

 

DAHIL BIHIRA lamang magkaroon ng pagkain sa kanilang lamesa, nag-away ang mag-ama bunsod ng hindi patas na hatian ng pagkain na nauwi sa pagkamatay ng anak sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.

Isang malaking punyal ang tumama sa tiyan ng biktimang si Pepito, 23 anyos, at dahil maraming dugo ang nawala ay namatay agad ito.

Inamin ni Eligio Evangelista na inispin o binato niya ng kutsilyo ang kanyang anak na biktima habang nasa loob ito ng kuwarto.

Sa salaysay ng Eligio, nagtalo sila ng kanyang anak nang mas marami ang kinain nitong kanin at nang kanyang sitahin ay minura siya nito.

Makaraang kumain ay dumiretso si Pepito sa kuwarto upang matulog subalit sinundan ito ng suspek saka ibinato ang hawak na patalim.

Sumuko sa mga pulis ang suspek subalit agad din itong pinakawalan matapos walang magsampa ng reklamo laban sa kanya.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.