Nagbirong Pasasabugin ang Granada; Kelot, Binoga sa Ulo

DEAD ON the spot ang isang 40-anyos na lalaki matapos na barilin ng kaanak nito nang magbirong pasasabugin ang dalang hand grenade sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang nasabing biktima na si Lenardo Sumarno alyas Gard, may asawa at residente ng Sitio Buno, Barangay Lamcade, Lake Sebu.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng Lake Sebu PNP, napag-alaman na habang nasa bahay ng salarin na si Richard Lumasicod, si Sumarno naman ay nagbiro na pasasabugin ang dalang hand grenade.

At dahil sa akala ng salarin na pasasabugin talaga ang dalang granada, inunahan ito at binaril ang biktima sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang suspek habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.