Nagbirong May Bomba sa Bag, Pasahero sa Eroplano, Kalaboso

ARESTADO ANG isang pasahero sa eroplano matapos magbirong may bomba ang kanyang bag sa Zamboanga Sibugay, Lunes ng gabi.

Sinabi ng  pulisya na sakay ng eroplano patungong Maynila ang isang alyas “Mike”, 44-anyos nang tatlong beses nitong sabihan ang flight attendant na may karga siyang bomba.

Agad na dinakip ang pasahero at ikinulong sa Station 7 sa Barangay Santa Maria.

Inamin naman ni Mike na nakainom siya. Hindi aniya alam na bawal magbiro ng bomba sa eroplano o paliparan.

Samantala, hinihintay pa ang desisyon ng airlines kung itutuloy ang kasong threat laban sa pasahero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.