Nagbigay-suporta sa mga anak ng stepdad na si Dolphy Karylle, dinamayan ang inang si Zsa Zsa Padilla sa ospital

BILANG ANAK ni Zsa Zsa Padilla at stepdad ang Comedy King na si Dolphy, humingi ng dalawang araw na absence si Karylle sa It’s Showtime para magbantay sa ospital at samahan ang ina. Nandu’n para dumamay at magbigay-suporta sa mga anak ni Tito Dolphy, partikular na sa ina na dahil nawalan na rin ito ng ganang kumain dahil sa sitwasyon, ayon kay Karylle ay nandu’n siya para yakapin, pagaanin at magbigay ng lakas ng loob kay ZsaZsa na apektado at hindi pa rin nagsasalita sa ngayon. Nandu’n din ang rumored boyfriend na si Yael na karamay nina Karylle sa sitwasyong kinahaharap sa nga-yon ng ina at ng pamilya Quizon.

Nawala sa bansa para um-attend sa nakaraang Monte Carlo Television Awards, hindi man pinalad na manalo ay masaya si Karylle na napabilang ang pangalan niya sa mga nominado. Kasama ang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari, bukod sa pagdalo sa nasabing awarding ay nagkaroon din ng pagkakataon sina Karylle para mamasyal sa Monacco kung saan napatunayan niya na kung beaches lang ang pagbabasehan ay higit na mas maganda at maipagmamalaki ang beaches ng bansa natin.

Ngayon ay balik-It’s Showtime si Karylle, kumpleto na muli ang lahat ng hosts dahil kababalik lang din ng bansa si Anne Curtis na nawala ng halos isang buwan para sa shooting na isang international movie.

 

SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Carmina Villaroel sa presscon ng Lorenzo’s Time, agad namin siyang tinanong kung totoo ba na may sama pa rin daw siya ng loob kay BB Gandanghari kung kaya’t ‘di natuloy ang guesting nito dapat sa Showbiz Inside Report at nauna itong mag-guest sa Paparazzi, kung saan ang nag-interview naman ay si Zoren Legaspi.

Agad namang binigyang-linaw ng TV host/actress na sa simula pa lang ay nananawagan na siya na gusto niyang ma-interview si BB at hindi siya makaka-move on at magiging masaya kundi may sakit o sama ng loob pa siyang nararamdaman.

Napag-usapan din ang interview ni Zoren kay BB, ayon kay Carmina ay hindi naman nagpaalam sa kanya ang partner kundi nagsabi lang ito sa kanya na iinterbyuhin nga nito si BB at agad ay sinang-ayunan naman niya. Sa nasabing interview, inamin ni BB na una siyang nagsabi kay Carmina tungkol sa totoong kasarian niya at kung nawala man siya ay natagpuan naman nito ang lalaking magmamahal dito at kasamang bubuo ng pamilya sa katauhan ni Zoren.

Kinuwento ng aktres na bago pa man pumasok sa PBB si BB ay nagsabi na ito sa kanya at para sa kanya, kung saan magpapaligaya sa dating asawa ay makapagpapasaya rin sa kanya. Ikinatutuwa na walang sinasabing hindi maganda sa kanya si BB at nararamdaman din naman niya na masaya para sa kanya si BB.

Napapanood sa Showbiz Inside Report, at pansamantalang pumalit kay Anne Curtis sa It’s Showtime habang nagsi-shoot ito para sa isang Hollywood movie, excited si Carmina dahil kasama siya sa seryeng Lorenzo’s Time na magsisimula na sa July 2. Kakaiba ang istorya, bago, dahil kapareha niya rito si Zaijian Jaranilla, kung paano ang tatakbuhin ng istorya, dapat abangan ito ng publiko dahil sa kakaibang twists at mga aral na ituturo ng seryeng ito.

Isa sa mga artistang nagbalik-Kapamilya, sa ganda ng mga proyekto na ginagawa ni Carmina sa ABS-CBN, kitang-kita namin ang saya at kakuntentuhan nito na nakabalik siya sa tahanan kung saan talaga siya dapat.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.