Nagbibisikleta, Todas sa Truck

TODAS ANG isang bina-tilyo matapos magulungan ng truck nang ma-cut ng una ang huli habang nagbibisikleta sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si Razzel Dizon, 15, ng San Agustine Village, Mapulang Lupa ng lungsod.

Pinaghahanap naman

ang driver ng truck (WBC-603) na nagraras-yon ng tubig na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat, alas-9 ng umaga, nagbibisikleta ang biktima sa Apolinaria St., ng nasabing lugar nang mag-overtake sa truck ng suspek.

Paglagpas ng biktima ay na-cut ang truck na hindi na nakaiwas na mabangga at magulu-ngan ang una na naging dahilan ng kamatayan habang tumakas ang driver.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.