Nagagamit lang daw sa promo
JayR, itinangging sinaktan niya si Krista Kleiner!

NATATAWA NA lang daw si JayR nang nakarating sa kanya ang mga huling kuwento ng dating kasintahang si Krista Kleiner na sinasaktan daw siya kaya nag-decide na itong makipaghiwalay.

Nakausap ng Startalk si Krista nu’ng nakaraang linggo, bago ito umalis patungong Malaysia. Parang nagsisi pa raw ito na naikuwento pa niya kay DJ Mo ang tungkol sa break-up nila ni JayR na napakatagal na nu’n.

Sabi ni Krista; “Parang nadulas lang kasi ako. May nagtanong sa akin about our relationship. Si Mo naman tinanong ako kung nasaktan ako physically ni JayR, inamin ko naman, parang nadulas lang ako,” kuwento ng dating beauty queen.

Wala naman daw siyang balak na palakihin pa ito, dahil ang buong akala raw niya walang nakikinig sa Podcast ni DJ Mo.

Eh, ayan na nga! May mga nakarinig, kaya tuloy nagulat si Jay R kung bakit nasabi ‘yun ni Krista.

Itinatanggi ng RnB prince itong ibinibintang sa kanya, dahil never daw siyang nananakit ng babae.

Parang wala nga sa mukha ni JayR na ginagawa niya ‘yun. Pero tingnan na lang natin kasi magsasalita pa rin yata si Krista pagdating nito galing ng Malaysia.

Ang sabi lang ni JayR, alam daw niya kasing magpu-promote si Krista ng album nito na malapit nang i-release. Baka nga naman magagamit na siya para ma-promote lang ang album nito.

Naku! Parang ganu’n na nga ang nangyari.

Abangan na lang natin sa Startalk kung magsasalita pa si Krista. Basta si JayR, matigas na itinatanggi niya itong ibinibintang sa kanya.

 

SA MARCH 9 na pala magsisimula ang bagong sitcom nito sa GMA 7, na pinamagatang Vampire Ang Daddy Ko.

Excited dito si Bossing Vic dahil first project daw niya ito na maka-tandem niya ang anak niyang si Oyo Boy Sotto.

Nakaaaliw pa ang konsepto dahil ang Daddy pala rito ay si Oyo Boy at anak niya si Bossing Vic.

Kasi bampira nga rito si Oyo Boy, at hindi ito tumatanda. Pero ang anak niyang si Vic ay tumatanda dahil may halong mortal na ang dugo nito.

Kuwento nga ni Bossing Vic, nu’ng mga unang taping nila, naasiwa raw siyang tawagang Daddy si Oyo Boy. Kaya nagtatawanan na lang sila. Pero ngayon ay gamay na nila ang buong cast.

Ang isa pang excited si Bossing Vic ay kay Ryza Mae Dizon na kasali sa sitcom na ito.

Ibang-iba raw kasi sa ginagawa ito ni Ryza Mae dahil meron siyang script na sinusunod at kailangan niya talagang umarte.

Hindi ito ‘yung ginagawa niya sa Eat Bulaga araw-araw, kaya medyo nanibago rin daw ang bata nu’ng unang taping nila.

Pero nang mga sumunod na taping ay marunong na raw ito at nakukuha niya ang mga instruction.

Ang medyo nahirapan lang sila ay paano kumbinsihin si Ryza Mae na acting lang ito. Kasi minsan takot na takot daw itong mag-taping dahil ang akala raw niya mga totoong bampira talaga ang mga nakatatrabaho niya.

Kaya nag-a-adjust sila sa bata.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Nagagamit lang daw sa promo
JayR, itinangging sinaktan niya si Krista Kleiner!

Leave a Reply

Your email address will not be published.