Nag-sarili habang namboboso Bosero, kalaboso

SWAK SA kulungan ang boserong exhibitionist matapos bosohan ang kapitbahay na ginang sa banyo habang nagma-masturbate kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Unjust Vexation sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutors Office ang suspek na si Jenry Corpuz, 28, may asawa, ng KBS Compound Ususan St., Brgy. 28, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 4:00 ng hapon, naliligo sa banyo ang biktimang si Jobeth Caes, 22, may asawa, ng nasabing lugar.

Habang naliligo si Caes ay napansin nito sa siwang ng banyo ang suspek na naninilip habang nagma-masturbate, kaya dali-dali nitong kinuha ang damit saka nagbihis.

Paglabas ay agad na humingi ng tulong ang biktima sa barangay na naging dahilan ng pagkakadakip kay Corpuz.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.