Nag-Orbit sa Lamayan, Tinarakan

HINDI INAKALA ng isang lalaki na malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nito dahil sa paghingi ng ‘tong’ sa lamayan sa patay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Norberto Banagados, 43, ng Catherine St., Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Brando.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi, nakikipaglamay ang biktima sa namatay sa kapit-bahay nang mapansin ang mga nagsusugal ng cara y cruz at lapitan.

Sinabihan ng biktima ang mga nagsusugal kasama ang suspek na magbigay ng tong sa patay na pinalagan ni Brando.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at tarakan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.