Nag-motorcade sa isang lugar sa Kyusi Willie Revillame, nagpaulan ng tigpa-P500!

NITONG BIYERNES, January 27 ang 51st birthday ni Willie Revillame. At marami ang nasorpresa nang biglang may motorcade siya na dumaraan sa loob ng Sitio Aguardiente, Barangay Sta. Monica, sa Novaliches, Quezon City.

Talagang pinagkakaguluhan at hinahabol ng mga tao ang sinasakyan ni Willie habang nagpapaikut-ikot sa mga kalye ng nasabing lugar. Lahat ay tuwang-tuwa na makita nang personal ang pamosong host ng Wil Time Big Time.

Lalo pang pinagkaguluhan ng mga tao si Willie nang mapansin ng mga ito na namimigay siya ng tig-500 pesos. ‘Yon nga lang, kahit siguro male-maleta pang pera ang dala ni Willie, hindi talaga kakayaning mabigyang lahat sa dami ba naman ng mga taong kanyang nadadaanan.

Pero at least, nag-effort si Willie na makapag-share ng blessing sa mismong araw ng kanyang kaarawan bago siya tumuloy sa live airing ng Wil Time Big Time. At marami-rami rin siyang napasaya nang dahil sa kagandahang-loob niyang iyon.

Naman!

 

EXCITED SI Luis manzano habang hinihintay ang pagbabalik sa ere ng Deal Or No Deal. Siya ang napiling bagong host nito kapalit ni Kris Aquino.

“Wala pang definite date pero ang sabi sa akin ay very soon,” aniya nga. “Kris handle the show for so long. The fact that she chose me as her successor makes me proud na mapagkakatiwalaan nila ako sa gano’ng programa.”

Samantala, ipinagkikibit-balikat lang ni Luis ang naglabasang mga hula o prediksiyon na hindi umano magtatagal ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

“Hindi namin sineseryoso ang tungkol do’n,” sabi ng actor-TV host. “’Yong ganyang hula-hula sa relasyon… 50/50, kumbaga. It’s either magkakatuluyan o hindi. Para lang toss-coin ‘yan.

“We’re very very fine,” patungkol niya sa takbo ng relationship nila ngayon ni Jennylyn. “We’re happy,” aniya pa.

 

KAGAYA NI Luis Manzano, masaya at very proud din ang Mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa pagiging bagong host nga ng binata for Deal Or No Deal. Kuwento pa nga ng Star For All Seasons, tinawagan pa raw niya si Kris Aquino na dating host nga ng nasabing game show na sikat sa buong mundo.

“Oo. Na-excite kasi ako. Kasi no’ng ma-balitaan ko na si Lucky na at hindi si Kris, nag-text ako sa kanya (Kris) muna. Tinanong ko if it’s true na hindi na siya kundi si Lucky na. Sabi niya… yeah, si Lucky na! In fact no’ng tinanong yata siya kung sino sa tingin niya ang puwedeng pumalit sa kanya, binanggit niya si Lucky.

“I’m proud of my son. So, para sa anak ko… congrats! Tulungan n’yo naman. Suportahan n’yo naman si Lucky. Because he’s really good. And he’s very serious with his job. Seryoso siyang nagtatrabaho. He’s not… hindi because anak ko siya.  Pero, I’m here to support him. I will pray for him. Na sana he will do good being the new host of Deal Or No Deal. I’m proud of him na siya ang napili na mag-host ng Deal Or No Deal. I just want to wish him goodluck.”

Minsan na siyang naglaro sa Deal Or No Deal. Is there a possibility na maging celebrity player ulit siya sa pagbabalik sa ere ng nasabing game show?

“Hindi kaya paghinalaan kami ng tao kapag nakuha ko ‘yong premyo? Ha-ha-ha! Baka ang akala ay nag-tip ang anak ko. Pero, why not? Excited ako. And excited ang anak ko sa paghu-host niya ng Deal Or No Deal. Kasi ang feeling niya, that’s ano, e… one step up? Sa pagiging host niya. And I’m praying for him kasi hindi biro ‘yan.  Para maging host ka ng ganyang show. Kailangang una, credible ka. Pangalawa, you should be good. Kaila-ngang ma-ano ka, mabilis! Kasi live ‘yan. At saka it’s a game show. It’s not an ordinary hosting. So, I’m excited for my son. I’m praying for him na sana he’ll do good.  Kapag nag-host na siya ng Deal Or No Deal.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

24 thoughts on “Nag-motorcade sa isang lugar sa Kyusi Willie Revillame, nagpaulan ng tigpa-P500!

  1. megan tama k jan ang malaking bgay n ung 500 kaht minsan mayabng xah at may pagka manyak haha natu2wa aq s kanya kc mdmi xang natu2lungang tao at napapasaya

  2. Pwede ba magpasalamat nalang yung mga ibang tao dyan…at kahit papano may na sha-share ng blessings sa kanila….hinde maliit ang p500 kung isang baryo ang pagbibigyan. That’s his way of celebrating his birthday…napakarami na ngang natulungan na hinde nya pinagyayabang. nung nagka calamity dyan eh million ang binigay nya, at hinde sya pumunta don at nag pa interview or nagpakuha para makita ng mga tao na nag donate sya…basta sa kanya kahit ano pang sabihin ng mga tao, basta sya ay tumutulong at hinde sya nagnanakaw ng pera ng ibang tao…pag aksayahan nyo nalang kaya ng oras yung mga politicians nyo dyan nag nagnanakaw ng pera ng bansa…para may katuturan naman yan mga natitira nyo pang mga oras dito sa mundo! 

  3. @garyalavarez: may pa-aber aber ka pang nalalaman. Bakla ka! TInakaw? Namigay si Willie na walang hinihinging kapalit. Mayabang talaga si willie pero pagdating sa kawang-gawa mas angat sya kesa sa iba.

    @Renjay: hindi talaga nawawalan ng bobo e ano?! namigay na nga ng tulong masama pa din? Tawag dyan boy inggit! Anong pambili ng brief, magpanty ka na lang bakla!

  4. We are waiting for TV5 to come to the US. I heard this May…Finally! It’s time TV5 shines! Mabuhay ka MVP! God bless you Willie! Share lang ng share ng blessings.. Uulan ang blessing from above upon you…

  5. to:Shebie: Ang sakit mo manglait sa mga fans ni willie. Hindi kami pataygutom at hindi kami illiterate. Maganda trabaho namin dito sa America. at hindi kami nag hahanap ng foreigner na mapapangasawa. We are pure Fil-American.Please do not say things that are bad to other people. Learn to respect. Maybe that’s why haters of willie are not going up…you put yourself down on how you treat others with disrespect.

  6. lovely me WILLIE hinde WELLIE napaghahalata talaga mga fans ni willie mga wala pinagaralan na patay gutom pero in fairness nakakapag internet hehe naghahanap siguro asawa foreigner sa chat susunod sa yapak ni hugo hehe

  7. kawawa naman si willie kailangan pa mamigay ng 500 para lang dumugin ng tao, malamang tong si hugoprada eh si christy fermin hehe tuta ni willie palabigasan hehehe

  8. renjay isa ka ring abnormal …mabuti nlng si wellie namahagi ng grasya kesa mga politician jan na nagpakayaman…di namn namahagi sa mga tao….wag ka magsabi gin awang pulubi ni wellie mga tao..kitid pala ng utak mo hahaha…wawa ka kaya walang asenso ang tao pag kagaya sa takbo ng ugali mo at utak mo..

  9. hey u megumi..tanga ka ba ?paki mo ba kong namimigay si wellie ng pera atleast namahagi sya..tanga ka talaga ano…hahaha eh ang lakas na ng tv5 ngayon …baka galit ka dhil di ka nabayaran hahaha engot ka

  10. Megumi: sobrang bitter may kasamang inggit kay willie. karma ba yoong mayroong sariling show, laging panalo sa mga lawsuits ng abs cbn, after wowowee, wala ng show ang tumagal at pwedeng kumalaban sa eat bulata, binayayaan ng patuloy dahil sa pagtulong. Non stop ang mga biyayang dumarating kay willie, at saka daming pinagaaral ni willie,maski noong wowowee pa. Ang hirap makapasok sa Wiltime Bigtime. kailangan ang ticket at sobrang haba ng pila, isang araw kang pipila, Pag nasa loob, ibinabalik ni willie ang mga pamasahe ng mga grupong nagbiyahe na galing sa mga probinsya. well, ibagsak si willie, pero itinataas naman siya ng Panginoon. Nagdaan siya noong birthday niya sa may QC, daming sign na happy birthday willie, hayun huminto siya at binigyan sila ng 500 each

  11. Nagpaulan? Tinakaw lang ang mga tao. Kung gusto talagang tumulong ng kumag na yan eh sa maayos na paraan at hindi sa paraang magpapatayan ang mga followers nya. Ganyan nya laruin ang mga dayukdok. May matino ba syang programa para makatulong talaga sa mga mahihirap? aber?

  12. Mr.Ruben Marasigan,please pakicheck naman kung babalik pa o hindi na si Baby Bisay sa Will time bigtime,para naman po hindi na kami floating on the air ,we are longing to see her again sa WTBT,thanks a lot po hope you can help us Mr Ruben.We are aware hindi gusto ni Fermin si Bey bisaya,we are just wondering if fermin is behind this ?axe of B.Bisaya

  13. sa sobrang yaman ni willie, P500 lang binigay? pwede namang P1000! parang hindi effective maging host ng deal o no deal si luis manzano, sayang yung tsismis na si vic sotto ang magiging host ng show, mas maganda pa siguro at mas madami pang advertisers ang mapupunta sa abs. sana every weekends lang ang luis manzano show, please please abs, gawin nyong weekends lang at hindi weekdays, masakit sa mata ang paghohost sa tv ni luis! hahahahaha

  14. Truly Willie is God given. He’s so generous with his blessings. His staff is very well paid at with bonus when he feels like it, even ang mga contestants & viewers esp. the old people, retarded & underprivileged, he helps them in any manner. Mabuhay ka Willie! That’s why God’s blessings is pouring like rain on you. Keep it up! Always be humble, generous, loving & forgiving & of course Love & Trust & have Faith in God. He will never leave you nor forsake you.We Love You here in Melbourne, Australia. More Power & wish that TV5 will be here in our country the soonest….God Bless you more!!! Muah!!!

  15. Ur The Best Willie,Buti naman at umalis ka na sa Dos…tignan mo walang nagtatagal nang show….di nacla makakahanap nang katulad mo…ikaw Willie ang tunay na “MONEYMAKER”!Jobert saksak mo sa baga mo yang Dos na yan….lol…Mabuhay ka Ka Willie!marami kang napapasaya at natutulungan…huwag kang magpapaepekto sa mga naninira sa yo di ka nila kayang pabagsakin…ilan beses na ba nilang sinubukan?SEN.Pangilinan KISS MY ASS!Bwisit.

  16. regarding Willie Revillame: What a WAY to celebrate his triumph over the camp of ABS-CBN’s Happy Yipee Yehey. As everyone knows by now, matiTIGBAK na angpalabas ng ABS CBN na HYY na kung saan ang karamihan ng hosts ay umalipusta at nag JUDAS kay Willie noon! Now, the One above has given His verdict: axed HYY, move on and keep Wil Time Big Time!

  17. Kawawang Willie, kitang-kita sa mga mata nia ang kalungkutan. Oh well, Karma is still a Karma. LOL d naku ma surprise kung namigay xa ng tig-500 sa mga tao. EH ULTIMONG SHOW NIA AT SHOWS NG MGA TV5, BNBAYARAN PA ANG MGA TAONG HINAKOT PRA MAGING TV AUDIENCE NLA. Ewwwww!!!

    ***NEXT IIMBESTIGAHAN NG SENADO, C MVP!. HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.