Nag-imprenta ng ‘Arrovo’ money, kontraktor na naman ng BSP!

HINDI NAKADALO SI Noynoy sa maagang meeting para sa prepasyon ng bagyong Juan.
Presidente man, may karapatan ding tamarin!

NABILI NA PALA ng Jollibee Food Corporation ang 70% ownership ng Mang Inasal.
Asahan ang mas matinding chicken massacre!

MAG-IIMPRENTA NG bagong pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Dahil usapang pera, marami na naman ang kikita.
Sa halip na ibili ng printing machines ang US$71 million, mas gusto pang ibigay ng BSP sa kontraktor.
Ang balita natin, ang nakakuha ng kontrata ay ang nag-imprenta ng Philippine paper bills na may “Arrovo” signature.
Nagkadorobohan na naman.

BARGAIN ANG LOTE sa Harbour Centre sa Manila.
Sa halip na P25,000 per square-meter, ibinibenta na lamang ng R2 Builders ng P6,000 kada metro kuwadrado.
May naipon akong P18,000 dito, baka puwedeng makabili ng tatlong metro-kuwadradong lupa, gagawin ko lang watch repair shop!
Attention Philippine Reclamation Authority, National Housing Authority at Home Guaranty Corporation.

NAGSIMULA NA SA Seattle, USA ang bentahan ng beer and wine sa isang branch ng Starbucks.
Magandang development ito para sa mga lasenggong estudyante na ginagawang library at sariling study room nila ang coffee shop.
Puwede na kayang mag-table ng barista riyan?

HINDI PA RIN natatapos ang palitan ng akusasyon nina Manila Mayor Lim at retired Gen. Magtibay.
Ang aga naman ng exchange gift n’yo!

HINDI PA RIN nagpapatawag ng Ledac meeting si Noynoy para ihanay ang kanilang legislative agenda.
Umiiral ang pagka-lemyak kaya hindi makausad para sa Ledac.
Konting astig naman d’yan!

TOTOONG MALAKI ANG problema ng binuong Truth Commission, lalo na’t ang magiging chairman ay ang madalas magsinungaling na si Davide.

TULAD NG IIRC, saan huhugot ng prosecutorial power ang komisyon ni Davide?
Ang ending nito, dadaan ulit sa review panel ng Palasyo ang anumang magiging findings ng Truth Commission.
At malamang, ibabato na naman sa DOJ, dahil ito lang naman ang may mandato ng batas para magsampa ng kaso bukod pa sa Ombudsman.
Tigreng bungal ang komisyon ni Hilarious Davide!

PARANG WALA RING nagbago sa takbo ng MMDA kahit napalitan si Bayani.
Ang iniwan ni Bayani na problema sa trapiko ng Edsa ay lalo pang pinatingkad ng termino ni Chairman Francis Tolentino.

NAMBOBOLA ANG CPDC kung sinasabi nilang wala nang Jueteng sa Quezon City.
Alam ni Director Mantele kung saan ang bolahan.
Sirit na boss.

PUNO NA NAMAN ng squatters ang ilalim ng Balintawak-Quirino Highway flyover.
Mayor Bistek, sana’y hindi muna gumuho ang flyover na iyon bago ka kumilos at madedbol ang mga nakatira roon!

Pulandit
Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.