Nag-iingat na maisahan ulit: mestisong aktor, laya na kasong rape!

 

NAKALAYA NA pala ang mestisong aktor nang hindi natin namamalayan at nababalitaan. Kung tutuusin, ang gandang balita pa naman no’n for him, ba’t hindi nabalitaan?

Samantalang nu’ng kasagsagan ng isyu na halos palabasing rapist siya ng isang babaeng iyak nang iyak, tapos ngayon na dapat ay balanse ang mga balita, deadma na?

Kasi, isang friend ang nakakita sa kanya sa Bliss (isang bar sa Morato) nu’ng Saturday night at gumigimik.

Saglit na nakausap ng aming source ang mestisong aktor at ito na rin ang nagsabi na, “Ibinasura ng korte ang kasong Rape, dahil walang sapat na ebidensiya.

“Feeling ko nga, sinet-up lang ako ng mga kalaban ko sa pulitika. Pero buti na lang, na-dismiss ‘yung kaso.”

Mag-iingat na rin ang mestisong aktor, lalo na sa mga pakikipag-meeting niya sa mga girls, dahil baka “maisahan’ na naman siya.

‘Wag na rin siyang magpi-PDR. As in public display of relationship. Chos.

Ipilit ba talaga?

(By Ogie Diaz)

 

loading...

6 thoughts on “Nag-iingat na maisahan ulit: mestisong aktor, laya na kasong rape!

  1. KUNG NAIS MO PALA TALAGANG MAGING PATAS SA KANYA EH DI SANA PINANGALANAN MO NG SI PATRICK DELA ROSA ANG NASA ARTICLE MO..

Leave a Reply

Your email address will not be published.