Nag-date sa isang resto sa L.A. Vicki Belo at Hayden Kho, nagbalikan?!

PAGKATAPOS MAGPALITAN ng akusasyon sa kung sino sa kanila ang nangaliwa, mukhang back to each other’s arm ang drama ng controversial celebrity couple na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Isang unimpeachable source ang nagparating sa amin ng balitang nakita diumano sina Dra. Belo at Hayden sa isang restaurant sa Los Angeles, California sa Amerika.

Nito lang daw March 20 nakitang ‘magka-date’ ang dalawa sa Inn & Out restaurant na ayon pa sa aming source ay mukhang sweet na naman sa isa’t isa. So, ibig bang sabihin nito, nagkabalikan na si Dra. Belo at Hayden?

Knowing this couple, madali namang masasagot ang tanong na ‘yan. Abangan lang natin ang kanilang mga tweets, o kaya naman, pagbalik nila sa bansa, madaling maiispatan kung magkasama na naman silang dadalo sa iba’t ibang celebrity events at social gatherings.

Matatandaang sa Twitter officially tinapos nina Dra. Belo at Hayden ang kanilang bitter-sweet love affair na inaasahan na nga ng kanilang mga kaibigan na mauuwi na sa altar. Pero sabi nga ni Dra. Belo sa isa sa kanyang mga tweets, ‘It’s over!’ patungkol nga sa kanilang relasyon ni Hayden, matapos na iugnay niya ang lalaki kay Nancy Castiglione. Sa panig naman ni Hayden, nag-akusa rin ito sa doktora na may ibang lalaki bukod sa kanya, sa katauhan ng yoga instructor ni Dra. Belo, at ng isang model ng isa sa mga clinic nito.

Mukha namang ‘di malayong magkabalikan sina Dra. Belo at Hayden, dahil mukha rin naman sila lang ang p’wedeng magtiyaga sa ugali ng isa’t isa, ‘di ba?

Well, hintayin na lang natin ang kanilang latest revelations.

 

SA MGA hindi nakapanood ng ‘Annebisyosa’ concert, may chance na kayong mapanood nang libre at live ang pagbirit ni Anne Curtis. Punta lang kayo sa March 30 sa Metro Walk sa Pasig City, kung saan kakanta si Anne sa GSM Blueniversity Flair Idol, ang pinakamalaking flairtending and mixology competition para sa mga estudyante ng Hotel and Restaurant Management.

Makakasama ni Anne ang mga bandang Itchyworms, Callalily at Rocksteddy na pinangungunahan ng mga kasama niya sa Its’ Showtime na sina Jugs Jugueta (Itchyworms), Teddy Corpuz (Rocksteddy) at Kean Cipriano (Callalily). Magkakasama sila sa TV commercial na ‘Lahing Ginebra, Ikaw Na’.

Maglalaban sa finals na ito ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa buong bansa para tanghaling 2012 GSM Blueniversity Flair Idol champion na mag-uuwi ng P40,000 cash prize at mobile bar business. P20,000 at P15,000 naman ang maiuuwi ng first at second runners-up, ayon sa pagkakasunod.

 

SEKSING-SEKSI SI Judy Ann Santos nang dumating ito sa presscon ng bago niyang endorsement (kasama ang kanyang anak na si Yohan) na Eden Cheese. Ang mag-ina ang ang kauna-unahang celebrity endorser ng naturang cheese brand, matapos ang matagal na panahon.

Sa kaseksihan nga ni Juday, hindi maiwasang tawagin siya ngayon ‘hot mama’. “Nakakatawa, nakaka-flatter. Kahit kailan hindi ko naisip na darating ako sa puntong tatawagin akong ‘hot mama’. Ang tawag sa akin noon hot siopao. Hahaha!” todo-halakhak na reaksiyon ni Juday.

Naikuwento pa ni Juday na tumanggi na siya noon nang offer-an siyang mag-pose para sa cover ng isang men’s magazine.  “Before may nag-offer, dalaga pa ako noon. Hindi ko kaya, pero nakaka-flatter. Kapag dalaga ka at inoperan ka ng editor to pose for a cover of men’s magazine, nakaka-flatter. Kasi, ibig sabihin may nakikita sila sa ‘yo. But at the same time, sa akin kasi, hindi ko kaya. Kasi, ang kuya (Jeffrey Santos) ko nagbabasa ng men’s magazine. Hindi ko kaya, na binabasa ako ng kuya ko na naka-pose ako.”

Mukha namang hindi kaya ni Juday na panindigan ang pagiging hot mama. “Baka ipagkanulo ako ng mga anak ko pagdating ng panahon. Ibigay na lang natin ‘yan sa mas nakababata. Sa mas malala-king dibdib, ‘yung ganu’n. Hahaha!” Aliw na aliw na sabi pa ni Juday.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

9 thoughts on “Nag-date sa isang resto sa L.A. Vicki Belo at Hayden Kho, nagbalikan?!

  1. WALA AKONG GUSTONG GAWIN KUNDI SIPAIN YANG SI VIKI BILO NG NAKATALUKBONG SIYA AT NAKAWHEEL CHAIR NG DUMATING GALING SA AMIRIKA….CHIPIPAY ANG POTA!!!

  2. publicity nga lang yung hiwalayan nila, masyado bang nasmitten si belo kay hayden? naku naman obvious! hahaha

  3. kya nga pag sa tv patrol pag may showbiz report nnman sila tungkol kina hayden at vicky nakasmile na lang sina ted at noli na prang nangaasar na lang kc sila mismo ayaw nila magamit ang media sa kalokohan ng 2..

  4. hindi na nkpagtataka kung nagkabalikan nnman sila..ginagawa na nalang tanga ang mga tao at ang media..ang media nman nagpapaloko..kya nga tinatawanan na lang nina noli at ted ang isyu tungkul sa knila kc alam nila na yan..

  5. Ito si Belo at Hayden pinaglalaruan ang mga reporter at media, kunwari hiwalay etc etc para mapag usapan sila….hay naku ang nagagawa nga naman ng pera….

  6. artista b itong c vicki belo kc laging bida s article ng mga artista eh, O BAKA ANG PERA NY ANG ARTISTA HINDI C BELO, kong kelan naging gurang saka umalembong ng husto dapat karelasyon ny yong kaedad ny wag yong kcing edad ng anak ny. kong wala kaya cyang pera gustuhin kaya cy n hayden?

Leave a Reply

Your email address will not be published.