Nag-casino sa Macau Willie Revillame, 3.5-M Macau Dollars ang Napanalunan?!


WOW! ANG bilis bumalik ng good karma kay Willie Revillame matapos naming mabalitaan na nagbigay s’ya ng tulong pinansiyal, gaya ng kaibigan n’yang si Sen. Bong Revilla, sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan De Oro at Iligan City bago mag-Pasko.

Ang tsika kasi ng aming reliable source, nanalo raw ng napakalaking halaga ang TV host/singer/actor nang minsan itong mag-try maglaro ng casino habang nasa holiday vacation sa Macau.

Totoo kaya na tumatagin-ting na 3.5M Macau dollars diumano ang napanalunan ni Wil?

Tama rin kaya ang aming narinig na binalatuhan daw ni Wil ng tigna-9,000 Macau dollars ang lahat ng kanyang masusuwerteng mga kaibi-gan na kasama n’ya sa trip?

Gamit daw ni Willie at ng kanyang mga kaibigan ang kanyang private plane patungong Macau.

Isa rin sa magandang nangyari ngayong pagpasok ng bagong taon kay Willie ay ang pagbabati nila ng columnist at radio anchor at publicist ni Laguna Gov. ER Ejercito na si Jobert Sucaldito nang magkausap sila sa cellphone, habang nasa Macau ang una, sa pamamagitan ni Nay Cristy Fermin na malapit sa puso ng dalawa.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Nag-casino sa Macau Willie Revillame, 3.5-M Macau Dollars ang Napanalunan?!

  1. F.Y.I. ang mga casino sa Macau hindi MOP (MACAU PATACAS) ang ibinibigay kpag may nanalo. hindi kaya publicity or gimmick lang ito???

  2. tutal napanalunan namn pala nya yan eh bakit di na lang nya idonate lahat , wala naman maluluge sa kanya, o gusto ng mga mukhang perang mga baklang reporters na sa kanila n lng ipamahagi ni willie yung datung

  3. haha..tama ka jan..for them xe willie is saint..malake xe cla kumita ky willie kya nbblind side cla..puro maganda lng nkkta pero ung mga mali nya dedma lng..

Leave a Reply

Your email address will not be published.