Nag-artista rin noon: Jason Ivler, dating miyembro ng TGIS! – Lolit Solis

SA LINGGO PALA ay lilipat na sa bagong condo si Kris Aquino kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James. ‘Yun ang matagal na niyang balak bilhin na condo sa Makati na lilipatan nila ni James dahil nabenta na nila ang bahay nila sa Valle Verde.

Ngayon ay si Kris na lang at ang dalawang anak niya ang kasama kaya ewan ko lang kung kasama na si James. Ang kuwento naman kasing nakarating sa akin ay nagpapahanap din si James ng sarili niyang condo. Kaya ano na kaya ‘yun?

Si Kris naman ay may mga pasaring sa SNN na sa teleserye niya ay sinasabi nitong ang asawa ay dapat binabantayan hindi pinababayaang mapunta sa iba. Kaya ewan ko kung binabantayan pa rin niya ito o tuluyan nang pinabayaang mapunta sa iba.

Alam n’yo naman si Kris mukhang ini-enjoy naman niya ‘yang isyu na iyan ngayon, kaya kung anik-anik na naman ang mga pinagsasabi niya sa programa niya.

Si James naman ay tahimik lang at tuloy pa rin siya sa paglalaro sa Purefoods. Hindi naman daw ito nagpapaapekto sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon, lalo na sa paglalaro nito.

Bilib na bilib nga ang mga teammates niya dahil nandiyan naman daw iyan sa mga practice nila na parang wala namang nangyayari.

ABANGAN N’YO PALA sa Startalk bukas. May kuwento kami sa mag-inang Marlene Aguilar-Pollard at Jason Ivler.

May exclusive interview si Butch Francisco kay Marlene na kaibigan pala niya at may konting history kami kay Jason na dating miyembro pala ng TGIS.

Kontrabida role dati iyan at naalala pa nga ng ibang artistang nakatrabaho niya gaya ni Polo Ravales. Hindi naman daw nagtagal iyan noon dahil siguro hindi naman talaga pag-aartista ang type niya.

Sinadya ng Startalk ang tiyuhin nitong si Freddie Aguilar pero tumanggi itong magsalita dahil hindi pa raw niya alam ang buong katotohanan. Parang kay Jason yata inspired ang kantang “Anak” ni Freddie, eh.

Anyway, isa lamang iyan sa mga malaking kuwentong mapapanood n’yo sa Startalk at ang latest update namin sa kontrobersiya nina Kris at James.

SA LINGGO NAMAN ay ang Starstruck V na kung saan meron na namang tatanggalin. Hindi na namin magagamit ang factor 2 power naming mga Council dahil nagamit na namin nu’ng nakaraang Linggo.

Kaya sabi nga ng mga bata na kasali pa rin sa Final 8, hate na hate daw nila ang Linggo na kung puwede lang laktawan na nila ang araw na ‘yun, dahil nga meron na namang magpapaalam sa kanila.

Malapit na kasi ang finals kaya may mga choice na ngayon kung sino ang tingin nilang pasok sa Final 4.

Pero tingnan na lang natin dahil alam n’yo naman ang Starstruck na ang daming twist. Kaya nag-i-enjoy na rin ako riyan at napalapit na rin sa akin ang mga bata.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Nag-artista rin noon: Jason Ivler, dating miyembro ng TGIS! – Lolit Solis

  1. kc nga dakila nga syang inngit kay krizzy!!! LAM MO NMAN YAN C LOLIT LOYAL SA GMA YAN!!!! kaya sa mata nya ang magagaling at magagandang show nsa gma lang neknek mo!!!!! pinangangalandakan pa ang mga nakukuha nya sa mga artista na wala magawa kundi bigyan sya sa takot na maidaldal nitong scam mngr na to!!!! HMMMMPPPPPPPPPP!!!!! mahal ka nmen kris pabayaan u na lang yan c solis.

  2. Oo nga naman! Kaysa nagko-comment ka ng kung anik-anik, kung ang inuuna mo ba naman ay pagpapaganda ng haircut ng mga parukyano mo’t manicure-pedicure nila… eh di mas magigi kang kapaki-pakinambng na mamamayan?! :roll: :mrgreen:

  3. hoy solis isa kapa kala mo ang linis mo rin

    hinde ka naman tinitira ni kris sa mga shows nya bakit ka ganyan>?

    maka pag salita kalamo kung sino na walang baho!

    idol pa naman kita kasi matapang ka!

    pero sana pag hinde ka naman tinitira wag ka manira!

    lahat na lng saw saw ka ng saw saw!

Leave a Reply

Your email address will not be published.