Nag-Amok na Kelot, Tinadtad ng Bala

TADTAD NG tama ng bala ang katawan ng 39-anyos na magsasaka makaraang barilin ng isang residente matapos itong mag-amok sa kanyang mga kapit-bahay sa may Purok 5, Barangay Dapili, Bayog, Zamboanga Del Sur.

Base sa report ng Bayog Municipal police station, lasing na lasing umano ang biktimang si Jolito Puerto habang armado pa ito ng isang mahabang itak at nag-amok sa kanyang mga kapit-bahay sa naturang lugar.

Makaraan ang i-lang minuto, isang residente sa lugar na kinilalang si Dondon Buendia ang lumabas sa kanyang tahanan at saka binaril ang biktima.

Dinala pa ng mga kinauukulan sa Bayog municipal health center ang biktima subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay sa pagamutan.

Sa ngayon, pinag-hahanap pa rin ng mga awtoridad ang tumakas na suspek dahil hindi ito sumuko sa pulisya.

Samantala, ayon pa rin sa pulisya, may dahilan naman ang pagpaslang sa biktima dahil sa hindi nito pagsuko sa mga alagad ng batas.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.