Nag-agawan sa kostumer: vendor kritikal sa kapwa vendor

KRITIKAL ANG isang vendor matapos pagtatagain ng kapwa vendor dahil sa agawan sa costumer sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Caloocan Medical Center sanhi ng mga taga sa katawan si Roger Cardinal, 25, ng Sampalukan St., Maypajo ng lungsod.

Nadakip naman si Teddy Pangilinan, 44, ng Libis Guichico ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng umaga, nakatayo ang biktima sa Lerma St., Maypajo ng lungsod nang lapitan at pagtatagain ng butcher knife ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa CMC ang biktima kung saan agawan sa costumer ang sinasabing dahilan ng pananaga.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.