Nag-agawan sa kostumer Prosti, sinaksak ng kapwa prosti

ISA UMANONG babaeng nagbebenta ng sex ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan nang pagsasaksakin ito ng kapwa prosti nang magkaroon ang dalawa ng isang mainitang pagtatalo nang mag-agawan ang dalawa sa isang parukyano sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakaratay sa Tondo Medical Center si Maria Fe Lopez, 21, ng Bago Bayan South, Navotas sanhi ng walong tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, si Andrea Macaela, nasa hustong gulang at residente ng Hulong Duhat, Malabon City ay nakapiit ngayon

sa detention cell ng Malabon Police Station at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Base sa ulat ng Malabon Police Station, bandang alas-10:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang nasabing insidente ng pananaksak sa Malabon Plaza.

Nabatid na pareho umanong nag-aabang ang dalawang nasabing babae ng kostumer hanggang isang lalaki na nakatayo sa nasabing lugar ang magkasabay na nilapitan ng dalawa at parehong nag-alok ng sex.

Dahil dito, hindi nagustuhan ng suspek ang ginawi ng biktima na humantong sa isang mainitang pagtatalo na habang nasa kainitan ng kanilang argumento ay biglang binunot ng suspek mula sa kanyang bulsa ng isang pen knife at pagkatapos ay walong ulit na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek na si Macaela dala-dala ang ginamit na patalim habang agad namang dinala ang biktima ng ilang nagmalasakit na residente sa nasabing pagamutan.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang Malabon Police, nagresulta naman sa pagkakaaresto sa suspek sa kanyang pinagtataguang Nipa Hotel na matatagpuan sa Barangay Flores, Malabon City.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.