Nag-123 sa Bar; Mag-kaibigan, Kulong sa Baril

BAGSAK SA kulungan ang dalawang lalaki, makaraang mahulihan ng walang lisensyang baril nang tangkain umano ng mga ito na takasan ang pagkakautang sa isang bar sa Brgy. Sta Rosa I, Marilao, Bulacan kagabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga inarestong suspek na sina Romy Gallandez Y Adap, 38 anyos, poultry boy, tubong-Isabela, residente ng Ilang-Ilang St., Brgy. Sta Rosa ll; at kaibigan nitong si Tirso Pestano Y Gonzales, 37 anyos, construction worker, ng Blk-39, Area-4, Amparo Kapre St., Novaliches, Quezon City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas- 4:30 ng madaling-araw nang arestuhin ang mga suspek, makaraang mag-123 at takutin ang may-ari ng Wilma’s Resto Bar na si Marissa Quintana.

Nabatid na tumanggi umano ang mga suspek na bayaran ang halagang P627.00 na bill na kanilang nainom na alak. Sa halip na magbayad, ipinagyabang nito ang dala nitong baril na Smith & Wesson cal. 357.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa pulis ang biktima at aktong papaalis na ang mga suspek lulan ng motorsiklo na may plakang 6207-CL,kung kaya’t agad itong hinarang ng mga rumespondeng pulis. Nadiskubreng walang lisensiya at wala ring dokumento ang gamit na motorsiklo.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.