Nadiskubreng bading: senador, hiniwalayan ni misis; ipinagpalit sa pulitiko rin!

NAKAKALUNGKOT NAMAN kung ang incumbent senator natin ay totoong hiwalay na sa kanyang asawa, dahil ikinasal pa naman sila at very visible noon ang girl sa pukpukang pangangampanya para lang manalo ang kanyang mister.

Anyway, ang nakarating sa amin (na sana ay hindi naman totoo) ay ipinagpalit na ng magandang misis ang kanyang mister na senador sa isang pulitiko rin.

Ang sabi ng aming source (na sana ay hindi totoo), natuklasan ni misis na ang kanya palang mister na senador ay isang bading.

Oh, my goodness! Gusto naming umalma at sabihing, “Ano naman kung totoong bading? Batayan na ba ‘yon para iwan mo ang asawa mo?”

Kunsabagay, kung personal ang pag-uusapan, hindi naman kami umasta noon na barakong-barako. Alam ng misis namin na bading kami, kaya umpisa pa lang, alam niyang hindi namin paborito ang boxing at basketball.

Pero sayang naman. Sana, maayos nila ang problema at mabuo pa rin ang kanilang relasyon. Hangad namin ang kanilang “walang hanggang” relasyon.

Ano ba celfone number ni Senator para matawagan namin at mabigyan ng advice?

(By Ogie Diaz)

Previous articlePatay na patay sa kanyang fan: young actor nagwala sa set dahil sa selos!
Next articleJohn Lapus, umaasa pa ring maging title role sa next movie!

No posts to display