Nadine Samonte will be repackaged by TV5

 

PUMIRMA NA NG three-year exclusive contract sa TV5 si Nadine Samonte, 5:00 pm last Friday, June 17, sa office ng istasyon sa Makati.

Si Nadine ang first network artist ng TV5, kaya aalagaan siya mula sa projects, talent fee, publicity at lahat ng aspeto para siya’y mas lumaki at humusay pang aktres.

Balitang ipapasok si Nadine sa Elite Modelling Agency para sa kanyang make-over, bibigyan siya ng sariling stylist at ire-repackage. Malayo raw sa dating hitsura ang makikita paglabas ni Nadine sa mga shows ng TV5 at tiyak na marami ang maninibago. Siyempre, far from her looks sa inalisang network, dito sa bago, bago rin.

Bida agad si Nadine sa The Sisters at balitang isang dating aktor mula sa Kapamilya ang makakapareha niya. Kasama rin sa kontrata niya ang gumawa ng pelikula at dahil co-producer ang Studio 5 ng Regal Entertainment, Inc., sa Metro Manila Film Festival entry na Yesterday, Today and Tomorrow, ‘di kami magugulat kung makasama rin siya sa mga bida ng pelikula.

Isa pang sorpresa ang naghihintay kay Nadine dahil isang pelikula pa ang pagsasamahan nila ng isang guwapo at sikat na aktor na kalilipat din lang sa Kapatid Network.

 

MUKHANG GULAT AT hindi pa malaman kung ano ang isasagot at sasabihin ni Rachelle Ann Go sa balitang split-up nila ni John Prats. Bagama’t inamin na nito sa Showbiz Central na break na sila ni John, tila may kulang pa rin at may hinahanap pa rin siyang kasagutan kung paano nangyaring tapos na pala ang relasyon nila ng dancer-actor.

Hindi naman kinakikitaan ng “bitterness” si Rachelle Ann sa pagsagot sa bawat tanong about her and her ex-BF pero ramdam mong kahit siya’y gulat at “shocked” sa nangyari na una pa niyang nalaman mula sa ibang tao at balitang thru text lang siya binreyk ni John.

Wala pa raw nangyayaring pag-uusap sa dalawa kaya wish namin ay magkaharap at maayos na mag-usap sila. Mas maganda kasi kung magtatapos ang isang relasyon na “okey”, afterall, sa isang masaya naman iyon nagsimula. Isa pa, parang wala sa image ni John ang ganu’ng attitude na basta na lang mang-iiwan ng babae. Remember, alam niya ang sakit ng iwanan dahil iniwan siya’t ipinagpalit ni Shaina Magdayao over John Lloyd Cruz, ‘di ba?

Maraming nakikisimpatiya kay Rachelle Ann, kaya sana John made the first move upang magkausap sila’t walang maging “nega” image sa kanya gaya ng nangyari sa mga lalaking nang-iwan ng babae. Tama? ‘Yun na!

 

WALANG MASYADONG INGAY pero natuloy rin pala ang concert ni Pops Fernandez sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, pero balitang hindi raw ito tinao. Iilang beses nang na-postpone ito dahil sa matumal na bentahan ng tiket kasi raw naman ay pagkamamahal eh, nagkasunud-sunod pa ang dating ng mga sikat na foreign artist sa bansa, kaya du’n na lamang nila inilaan ang pagbili ng tiket, since first-timer at bihirang makapunta dito sa atin ang mga banyagang singers.

Pops In Fashion ang title ng show ni Pops at sa mga nanood, bongga naman daw ang mga gown na sinuot nito making Pops really standout pagdating sa magaganda at seksing kasuotan. Du’n naman sa performance ng “Concert Queen”, wala na raw bago and the usual, birit-biritan daw ito na hindi naman kinakaya ang tono. Ano ba iyon?

Pero ayon sa source namin, kahit daw kalahati lang ng venue ang tinao, todo-bigay pa rin daw si Pops sa pagpi-perform. Masaya raw ito at laging nagpapatawa, habang “total performer” ang drama sa mga kanta niya.

‘Yun nga lang, maliwanag pa sa sikat ng araw na kahit na ibinigay niya ng todo ang lahat-lahat sa performance niya, sorry to say, pero this time, nag-flop ang concert niya.

‘Yun na!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

21 thoughts on “Nadine Samonte will be repackaged by TV5

  1. God Bless kay nadine…she deserve the attention, when she has shows idk but it becomes one of the most interesting ones on my tv…

    she has got the talent and beauty…

    i hope her shows will be one of the best…panunuorin ko talaga yan…i pray to God that she’ll become very successful not just here but also abroad.

    i just hope that her show if ever “the sisters” will be on primetime…can be seen at least around 9 pm -10 pm.

    hwaiting!

  2. walang ng pag-asa yang panget na si nadine samonte na yan kahit pa mag-bold cya sa primetime eh walang manonood sa kanya kahit ibuyangyang pa nya yung kepyas nya mga bulbol nya kasama pa tinggil nyang sintulis ng pako wala na cyang magagawa pa para sumikat siya. mananatili na lang cyang STARLET.

  3. try nya kasi si pauleen nag try pero balik din sya sigurp huwag sya pa exclusive yun lang… sayang talaga si nadine kasi hindi mabigyan ng tiyahin ni RHIAN RAMOS hehe…

  4. sa GMA, malamyang umarte, walang energy at ang bagal mag-dialogue nito habang umaakting, maganda mukha pero walang uuummmpppp, yung credits umaandar na hindi pa siya tapos magsalita… bagal nga.. painumin niyo na rin ng multi-vitamins at kahung-kahong Red Bull para naman mag-hyper ito! kakatamad panuorin eh… 2nd rate lang din ang dating niya sa GMA.. sige i-repackage niyo! baka mamaya pag-labas niyan ma-surpresa kami at siya na pala ang bagong incredible hulk ha? huwag naman!

  5. asus che che papansin ka rin anoh?ndi ko masyadong kilala si nadine pero super ka namang manglait maski kay mo at cristy siguro inggit ka kasi wla kang pera o mahirap ka kaya kung makapanghusga ka akala mo kung sino!!! wla kang kuwentang tao marami ka sigurong kaaway or kagalit kasi sa komento mo wla kang kaibigan tingin ko doon ka magpapansin sa twitter para mapalaban ka…o baka naman gus2 mo ng piso!!!!

  6. thank you Eye of the Tiger at Maria…natawa rin nga ako sa sinabi ko….sus! Kakaloka! Thank you ulit to both of you. =)

  7. BAKIT PARANG GINAWA NAMAN NA DAING SI NADINE, RE-PACKAGE? SAN IBABALOT SA TABLOID NA LUMA O SA PAGES NG PLDT DIRECTORY?

  8. mas maganda na linayasan ni nadine samontre ang gma7,kz parang hinaharangan nila ang pagsikat nya,marami ng napatunayan si nadine samonte kung bakit hnd nabigyan ng lead role sa primetime….kaya nagsisilayasan ang magagaling na talent nila sa gma7 kz naipako na c mariane rivera at rhian ramos,dingdong dantes at richard gutierez….cla la lang ang palaging gumagalaw sa gma7,look kung hnd favoritism ang gma7,tignan nyu mas nauna pang nabigyan ng big break si carla abelana kesa kay nadine samonte na wala na mang binatbat kung ikukumpara kay nadine samonte….nakakapang hinayang ang mga lumayas na talent nila si angel locsin,jristine reyes,jewell misch,jc devera,janice de belen,tony gonzaga nadine samonte magagaling lahat sila,unti unti nang nagsisilayasan ang talent ng gma7,kaya panahon na para gumising kayu gma7!

  9. @eye of the tiger, ako rin natatawa sa comment ni che-che bureche!!!!!! Napakatama na comment about those two :-)

  10. Malayo raw ang magiging hitsura niya sa dati so kakapalan ang make -up at lipstick kukulutin ang buhok o mag dadamit ala ruffa mae quinto na kita ang S_O_S_O. i rerepackaged para maging kasing arte ala Ruffa guttierez. Ok na hitsura niya mas mukhang disente na siya, sosyal naman manamit si Nadine ang dapat lang gawin sa kanya yung PAG-ARTE niya yun dapat ang i priority niya… Panuurin ko siya sa THE SISTERS.

  11. TV5 I-repackage at i-repack nyo sa Balik Bayan Box si Mo Twister at Cristy Fermin at pidala nyo via DHL sa SAUDI, duon sila mag emote ng mag emote kung di sila habulin ng mga Arabo dahil sa kadaldalan at kapangitan nila.

  12. kung pangit si nadine, gaano na kataas ang basehan ng maganda??!!! makapintas lang talaga dahil galing sa gma yata eh.

    good luck sa mga nalipat…trabaho pa rin yan at para din naman sa sarili nila ang mga ganyang desisyon… at mahalaga, manatiling maganda ang relasyon sa mga inalisan dahil pa-ikot ikot lang naman ang mga talents.

  13. mga haters talaga walang magawa sa buhay. Ang GMA kasi palakasan yan.Kaya nilalayasan ng mga talents. Good for Nadine na lumipat sya sa channel 5. I like her sobrang ganda nya in person saka mabait. Can’t wait sa bago nyang tv show.

  14. hoy Nancy wag kang bitter. Maganda at magaling na artista si Nadine.Nakita ng TV5 na may potential sa kanya. Saka lahat ng show nya sa GMA matataas ratings. Saka mga shows ng tv5 lumalaban na rin sa rating. Mamatay ka sa inggit.

  15. kahit i-repackage pa yang c nadine samonte di na yan sisikat at mananatili yang starlet kc panget,walang talent at walang charisma. ang panget umarte ewan ko ba nmn sa tv 5 kung bkit kumukuha at gumagastos sa mga chipipay at panget na artista. gawin nila dapat eh mag-discover cla ng news faces tapos i-workshop nila para nman makahatak cla ng viewers. kahit nman cno ayaw kumain ng panis no! Yun Na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.