Nadine Samonte, pakakasalan na ang non-showbiz BF!

Balik-telebisiyon muli ang dating Starstruck avenger na si Nadine Samonte. Siya ang napiling gumanap sa papel na Shirley sa Endless Love. Kontrabida ang drama ng kanyang karakter ngayon at siya lang naman ang magpapahirap kay Jenny, na ginagampanan ni Marian Rivera.

Kahit pa medyo matamlay ang showbiz career ni Nadine ngayon, bongga naman ang kanyang lovelife. Five years na kasi silang magkasama ng kanyang boyfriend na si Emerson Chua at hindi naman nito idinenay na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal. Ayon pa nga sa aktres, ang target niya ay maging isang bride na by 2010.

Balita namin, botong-boto ang pamilya ni Nadine kay Emerson, at ganu’n din ang pamilya ng lalaki sa aktres. Mukhang mauunahan pa ni Nadine sina Dingdong at Marian na magpakasal, huh!

Sa mga curious d’yan, narito ang ilan sa mga larawang nakunan ng ating kamerang-gala sa premiere night ng Eclipse. Endless Love na nga ito!

By Mica Rodriguez

Photos By Mark Atienza

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.