Nadine Samonte, nawalan ng gana sa Chinese boyfriend

BIGO NA naman si Nadine Samonte sa kanyang Chinese-Filipino boyfriend for 7 years kaya siya na ang kusang nakipagkalas dito.

Walang 3rd party involved sa break-up nila at lalong ‘di raw totoo ang naglabasan na nagbababad sa club at sugarol ang boyfriend.

Ang tunay na dahilan daw ng pakikipagkalas niya ay kawalan daw ng plano ng boyfriend para sa kanilang  dalawa.

Nakita raw ni Nadine ang kawalan ng assurance na aabot sa seryosong relasyon. Wala raw nakikitang interes ito na magpu-propose ng marriage sa kanya sa mga susunod na buwan o taon.

Gusto na kasi ni Nadine na magkaroon ng sariling pamilya at magkaanak. Pero dahil parang ‘di raw mangyayari ang gusto niya kaya siya na mismo ang nakipagkalas sa Chinese boyfriend.

Mahilig sa bata si Nadine. Gusto niyang ma-enjoy ang kanyang sariling pamilya habang siya ay bata pa. Kaso nga raw dedma ang boyfriend kaya tsinugi na niya ito.

Bumabalik daw ang boyfriend matapos ang tatlong linggong paghihiwalay nila at nagpahayag daw na magpo-propose na ito pero talagang nawalan na raw ng gana ang actress.

Pero ayaw pa ring magsalita nang patapos si Nadine sa posibilidad ng pagbabalikan nila ng Chinese-Filipino boyfriend dahil may feelings pa rin siyang nararamdaman dito. Pero sa ngayon, namamayani raw sa isip ng actress ay huwag nang makipag-ugnayan sa dating kasintahan.

Alam ni Nadine na isa sa magiging masaya sa pakikipagkalas niya sa boyfriend ay kanyang ina dahil ayaw na ayaw pa raw nitong mag-asawa siya.

Nag-post na ng kanyang photos si Nadine sa Instagram na nagsasabing malungkot ang Pasko niya at sana raw ay makahanap na siya ng Mr Right.

 

HALOS LAHAT ng artistang sasakay sa karosa sa magaganap na Parade of Stars na kalahok sa Metro Manila Film Festival ay nagkakaisa na tama lang na gawing Dec. 23 at hindi na Dec. 24 na nakagawian na taun-taon sa festival.

Sabi nila mas may time na sila para sa kanilang mga mahal sa buhay sa araw ng Pasko.

Sabi nga ni Bossing Vic Sotto, mas okey Dec. 23. Sa tuwing sasapit kasi ang Dec. 24 ay nagsisimba si Bossing Vic para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Kaya ngayon ay hindi na siya magmamadali para magpunta ng simbahan dahil hindi na Bisperas ng Pasko magaganap ang Parade of Stars.

Magkakaroon na rin siya ng time sa kanyang lovelife. Ang tanong ay kung magkakaroon ba siya ng pagkakataong makasama si Pauleen Luna na balitang syota ngayon ni Bossing?

Pero kaagad na salag ni Bossing Vic, hindi pa raw niya sigurado kung magkikita sila ni Pauleen sa Pasko dahil depende raw ‘yun sa schedule ng pamilya niya.

Wala pa rin daw naiisip na Christmas gift para kay Pauleen. Katuwiran ni Bossing, dapat daw ay araw-araw ay Pasko.

Dagdag pa ni Vic, pagmamahal daw ang importanteng gift na maibibigay niya this Christmas.

Samantalang sa naglabasang balita na tatapatan daw muli ng show ni Willie Revillame ang oras ng Eat Bulaga next year, nagkakaisa ang Eat Bulaga barkada na walang problema na tatapatan muli ng show ni Willie Boy ang Eat Bulaga.

Mas masaya ‘yun na marami sila at maraming pagpipilian ang mga manonood sa tanghali.

No big deal daw ang pagtatapat ng show ni Willie Boy sa EB at ‘di raw nila pinag-uusapan ito, dahil wala namang isyu at walang bago.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Nadine Samonte, nawalan ng gana sa Chinese boyfriend

  1. aksaya lang kayo sa pera panood sa walang kwentang enteng ek ek nayan..ito namang si nadine nakausap ko yan, ang sabi maliit raw tlga kasi tete ng chinese nayan nagtyaga nalang raw sya sa puro dila sa pekpek nya hahahaha

  2. WAlng kakwenta-kwenta ang movie ni Vic na Enteng pinaglumaan n nghusto yn Vic sobra ng laki ng kinita mo s mga manonood ikaw nmn ang mgbigay ng magandang movie wag nlng puro enteng….mahiya k nmn!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.