Nadine Samonte, napahiya kay Nora Aunor!

SA TAPING NG Sa Ngalan Ng Ina na slated to go on air sa October 3 after Wil Time, Big Time, nakausap din namin ang tumatayong personal manager ni Nora na si Kuya Boy Palma. Agad na nilinaw ni Kuya Boy ang mga mali-maling tsismis na kumakalat tungkol kay Nora, sa kanila (Kuya Germs, Suzette Ranillo at siya), at kay John Rendez.

Pahayag ni Kuya Boy, “Gusto ko lang i-clear na walang gulo sa amin nina Kuya Germs at Suzette. Alam namin ang trabaho namin eversince. Ako ang personal managar, si Suzette ang business manager at si Kuya Germs ang Overall Manager. Nagtampo si Kuya Germs, oo totoo iyon, pero naayos agad. Kasi, na-overwhelmed kami dahil Nora Aunor iyan, eh! Kumbaga, nagkakasunud-sunod ang mga meetings na minsan hindi na naipaparating kay kuya Germs. Pero ngayon, okey na. Pero hindi naman nagkakakagulo-gulo na may nagagalit na, hindi ganu’n.”

Sunod na kinlaro ni Kuya Boy ang ang tungkol sa balik-casino na naman daw ni ate Guy at mayroon pang nabanggit na pera like P300K daw na ipinatalo pa nito?

“Du’n, sobra ‘yun. ‘Yun talaga ang isang malaking kasinungalingan na ewan ba naman namin kung saan nanggagaling. Obviously, alam na natin na ang motibo ay sirain na naman si Guy. Tingnan n’yo ha, ang calltime ni Ate Guy sa taping, 4am, matatapos kami minsan 1am or 2am na. Hatid-sundo ko siya sa bahay at ‘pag inihahatid ko na siya after ng taping, patay na ang katawan niya. As in bagsak na’t tutulog na lang! Paano pa niyang magagawa ‘yung sinasabi nila?

“Sobra naman, eh! Makapanira lang ng tao kahit naman hindi na totoo eh, sinasabi nila, huwag namang ganu’n. Si Guy, mula nung dumating siya nung August 2, sunud-sunod ang trabaho kaya nga nagkakasakit na pero hindi pa rin tumitigil.”

Sa palagay kaya niya, sino kaya ang mga taong iyon na nagtatrabaho upang “sirain” si Ate Guy?

“Naku, kilala ko sila! Kilalang-kilala ko! Huwag na lang! Pati si John (Rendez), may isyu agad? Ni hindi nga nagpupunta rito ‘yun, eh! At saka walang problema si John sa mga bata. Minsan nga magkakakasama sila sa Eastwood. Si John, gumagawa rin ng effort upang makabawi sa mga bata, kasi mga bata pa sila nu’ng huli niyang Makita. Ngayon may mga asawa’t anak na, so , ibang-iba na ang bonding nila. Masaya sila, walang problema.

“Gusto lang magtrabaho ni John. Gusto niyang magkaroon ng pelikula o kaya sa TV. Mabait’ yung taong iyon. Dedma rin siya sa mga sinasabi sa kanya na ‘yung mga nagsasabi ng masama, hindi naman niya kilala o kilala siya. Sana bigyan natin siya ng chance. May talent naman siya. Medyo tumaba lang siya ngayon pero nagpapapayat na at baka nga magkaroon na siya ng project din sa nalalapit na panahon,” huling pahayag pa sa amin ni kuiya Boy.

Dinagdag pa ni kuya Boy na tuloy na tuloy na pala si ate Guy sa “Ho To Tay” (Mano Po 7) under Regal Films pero may gagawin pang project si Ate Guy sa ibang produksyon na ikakagulat daw natin kung sino ang makakasama ng Superstar.

‘Yun na!

 

TUNGKOL PA RIN sa Sa Ngalan Ng Ina, na-take 2 pala sa isang eksena with Nora si Nadine Samonte. Ito ay sa una nilang confrontation scene. Nawala raw si Nadine at nakalimutan ang linya niya. Hiyang-hiya raw si Nadine kay Ate Guy. Pero nang sumunod na mga eksena na nila, nakabawi na si Nadine at sumabay na sa husay ng Superstar.
Ang “nawiwindang” daw nang husto ay si Eula Caballerro na laging nininerbiyos sa mga eksena nito hindi lang kay Nora kundi pati na rin sa lahat ng kasama niyang artista. Halata raw na kabado lagi si Eula everytime na tatawagin na siya’t magti-take na. Paano nga naman, pawang mga mahuhusay na artista ang kasama niya samantalang siya’y nagsisimula pa lamang .
“Aminado po ako na talagang nininerbiyos po ako! Eh, sino ba naman po ba ang hindi eh, lahat sila maga-ling! Lalo na si Ms Nora Aunor! Rehearsal pa lang po ay bigay na bigay na siya tapos ‘pag take na sobra pa pala ang makikita mo sa gagawin niya! Ang husay talaga niya! Nag-iisa lang talaga ang ating Superstar Nora Aunor!”

Samantala, napag-alaman naming kung ang ibang teleserye ng TV5 sa pilot nito’y walang commercial break, naiiba naman ang Sa Ngalan Ng Ina dahil nabili na raw ng isang malaking advertising company kaya naman mapapanood ito na loaded na with commercial.

‘Yun na!

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

6 thoughts on “Nadine Samonte, napahiya kay Nora Aunor!

  1. sa mga writers na nagmamahal kay nora aunor, pakisabi ang mga suggestions na to na makakatulong sa comeback film ng superstar. isa pa, tutal uso ang mga title na pamagat ng hit song, bakit hindi gawin yun. like love of my life, all of my life, this is my life or all my love. ang tanung kasi bakit naghihit ang mga movie ng star cinema, kc na title pa lang which are hit song, naka engganyo na. look at  tanging yaman, inspirational movie. dapat ganun kaganda ang movie ni guy. think all of these na pwedeng mkatulong sa film ni nora aunor.

  2. kung gusto talagang sumikat si nora aunor, una, ibahin ang title ng movie, hototay, hindi commercial at baka matulad sa balut pinoy niyan with pip na comedy  na nag flop. regal films is not aware with the titles kung may commecial at box office ang titles ng films nila like bilangin ang mga bituin na napakahaba. sayang dahil, guy and pip iyun, kung ginawang together again na lang yung titile nun, baka nag blockbuster pa. regal and 5 should think the commercial titles of their film.another dapat, may younger generation of stars ang kasama. dapat nga, aga muhlach e.unahin muna ang box office appeal ng pelikula.nora should be paired with young but box office stars like john loyd, sarah geronimo and marian rivera. think naglalayag. title is not good enough tapos si yul servo na di isang box office star. resulta, flop ang movie. sayang pero maganda ang movie.think & analyze these regal and tv5. 

  3. yan naman talaga ang totoo, aminin…diba nga nung halos 8 taon nawala si nora d nman din sya narinig, naka focus daw sya (kuno) sa kanyang konstityuints, ang totoo wala naman nagagawa.naalok sya sa el presidente wala daw syang time at bc sa paglilingkod, bat ngaun biglang ngaka time ng malamang bc rin si guy.

  4. si Vilma obvious na nakikiride sa popularity ni Nora, dati sabi nya wala syang time sa showbiz pero ngayon marami syang projects na iniaannounce, sinabayan ng press release ang pagbabalik ni Nora. Vilma knows when to and how to use a person or situation, pag wala kasi si Nora, hindi ganon ang kasikatan nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.