Nadine Samonte, nakipagbalikan sa dating dyowa!

MASAYA SI Nadine Samonte na sa pagpasok ng taong 2012, mara-ming bago ang naranasan niya sa buhay niya at sa kanyang karera. Una na nga rito ang malapit nang maipalabas na soap sa TV5, ang Valiente, kasama sina JC de Vera, Niña Jose at Oyo Boy Sotto.

Pangalawa, matapos ang kanilang hiwalayan ni Emmerson Chua noon, reunited na ulit sila after 6 years nang kanilang kanya-kanyang buhay.

Happy kami kay Nadine dahil ayon pa sa kanya, love is lovelier the second time around daw talaga. Meron pa nga raw mga araw na lumabas silang magkasintahan na naka-motor lang at ikot lang sila nang ikot sa Metro Manila. Masaya raw ang ganitong bonding nila ng kanyang lovey dovey.

Go, Miss Nadine!

 

DALAWANG ARAW naming sinubaybayan ang kasalang Shalani Soledad at Roman Romulo: una, ang wedding rehearsals at pangalawa ang mismong kasalan. Ito ay bahagi pa rin ng aming exclusive coverage sa kasalan ng power couple na mapapanood sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 sa Linggo, January 29, 1:30 ng hapon.

Sabado pa lang ay nasa Saint Dominic Church na kami sa may Ayala Westgrove sa Sta. Rosa, Laguna. Bandang 4pm ng hapon ay inumpisahan ang rehearsal, kung saan bakas sa mukha ng soon-to-be-couple ang excitement sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Present siyempre ang buong Romulo clan headed by Former DFA Secretary Bert Romulo, pati na rin ang pamilya ni Shalani ay buong puwersa rin sa nasabing rehearsal.

At nitong Linggo, January 22, 2012, alas singko ng hapon ay pormal na ngang Mrs. Roman Romulo ang co-host ng Wil Time Bigtime na si Councilor Shalani Soledad.

Present ang lahat ng mga sponsors at mga ninongs at ninangs na nagmula sa alta sosyedad. Fusion of business, politics and showbiz world ang mga naging bisita na umabot sa halos isang libo.

Congrats kina Cong. Roman at Coun. Shalani sa kanilang bagong buhay bilang Mr. and Mrs. Romulo. Best Wishes!

 

MULA SA pagiging tahimik na heredera, madalas umiiwas sa media dahil nga sa kanyang sobrang pagkamahiyain, kinuha noong nakaraang taon bilang guest co-host ng Wil Time Bigtime si Camille Villar.

Pero laking gulat ng mga nakapanood dahil parang bihasa sa TV hosting ang dalagang anak ni Senator Manny Villar. Naka-cope agad ito sa sitwasyon at talagang minabuti niya ang bawat hosting stint sa mga segments ng show.

Pero hindi nagtagal si Camille dahil marami pa itong kailangang ayusin sa negosyo ng kanilang pamilya. Sumabay pa ang pagdiwang ng Kapaskuhan na tradisyon na pala sa kanila na sa Amerika ito i-celebrate.

Pero nitong Sabado, pormal nang ipinakilala si Camille bilang bagong co-host ng show. Marami ang na-excite sa kanyang pagbabalik dahil marami ang nakapagsabing si Camille ay isang welcome addition sa matagumpay na palabas ni Willie Revillame.

Congrats, Camille!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.