Nadine Samonte, nagbabalak nang magpakasal by Lolit Solis

MAY IDEYA AKO kung sino itong politician na sinasabi nilang karelasyon daw ngayon ni Rufa Mae Quinto at nagbigay sa kanya ng lupa’t bahay sa San Francisco, California.

Matagal na siyang natsitsismis du’n pero wala namang nagkumpirma kasi. Kaya lang nu’ng nagsalita siya sa Showbiz Central tungkol du’n, sinabi nitong baka sa kasalan ang patutunguhan ng relasyon nila. Bongga kung ganu’n! Kasi ang pinagdudahan naming dyowa-dyowaan nito, eh, may sabit kaya medyo naguluhan kami kung sino talaga ang karelasyon nito ngayon.

Nu’ng kinlaro sa kanya ng Startalk reporter namin kung binata ba ito, sabi naman niya oo. Kaya baka iba iyun, at hindi itong natsitsismis sa kanya noon.

Pero bilib din naman kami kay Rufa Mae dahil nakapagpundar na nga ito at bonggang-bongga na itong bahay niya sa Amerika.

Sinabi naman niyang may ginastos din siya roon at partly daw may naibigay itong karelasyon niya ng tatlong buwan.

Ibig sabihin, bongga talaga ito dahil tatlong buwan pa lang sila, may nai-share na sa lupa’t bahay nito sa Amerika.

Ang sabi naman ni Rufa Mae, pareho silang masaya ngayon kaya mas mabuting tahimik na lang muna at very private lang ang kanilang relasyon. Pero kilalang-kilala raw ito na may konek din sa pulitika. Naku, ha! Hindi kaya nililigaw lang tayo ng Rufa Mae na iyan? Kakalkalin ko nga ‘yan!

SERYOSO NA PALANG pinag-usapan ni Nadine Samonte at ng kanyang non-showbiz boyfriend ang balak na pagpapakasal.

Hindi naman daw sila nagmamadali pero sabi ng young actress mga two years from now baka ayusin na raw nila ang kanilang kasal. Ngayon pa lang  nga pinag-usapan na raw nila kung saan sila magha-honeymoon.

Apat na taon na ang relasyon ni Nadine sa non-showbiz boyfriend niya kaya tamang-tama lang daw na bibigyan pa nila ng dalawang taon ang kanilang sarili para mapag-isipan kung talagang gusto na nilang magpakasal.

Gusto pa kasi ni Nadine na makapagpatayo raw muna sila ng bahay nila at makapagpundar ng negosyo bago sila lumagay sa tahimik.

Hindi pa raw kasi niya tiyak kung mag-aartista pa ba siya kung sakaling misis na siya. Ang sabi ng boyfriend niya, pag-uusapan pa raw nila iyun. Kaya habang bata pa, mabuting itodo raw muna niya ang sarili niya sa trabaho dahil may career pa naman daw siya.

Kailangan naman daw niyang mag-ipon bago siya mag-asawa. Kunsabagay, madatung naman itong pakakasalan ni Nadine kaya hindi naman siguro ito magkaproblema pagdating sa datung.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Nadine Samonte, nagbabalak nang magpakasal by Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.