Nadine Samonte, may manliligaw na laman-lupa!

AMINADO SI Nadine Samonte na kung may natuwa man sa paghihiwalay nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na tumagal din ng 7 years, walang iba kundi ang manliligaw niyang hindi nakikita.

“Yes, totoo ‘yan. Bata pa lang ako, may sumusunod na sa akin na hindi natin katulad. Noong una siyempre natatakot ako, pero sanay na ako ngayon kaya wala na iyon sa akin.”

Madalas daw nararamdaman ni Nadine ang presence ng kanyang manliligaw na laman-lupa. “Minsan kumakatok siya sa bahay tapos pagbukas ko ng pinto wala namang tao. Minsan naman bigla na lang nawawala ‘yung mga bagay na ipinapatong ko sa kung saan, tapos mamaya lang du’n mismo sa lugar na pinaghanapan ko makikita ko ‘yung nawawalang bagay sa akin. Kaya alam ko na nandiyan lang ‘yung lamang lupa.”

Sabi ni Nadine, naramdaman daw niya na natuwa ang hindi ordinaryo niyang manliligaw sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

 

KAHIT BUMABAGYO, kumita pa rin ang pelikulang A Secret Affair nina Andi Eigenmann, Anne Curtis at Derek Ramsay. Kahit sabihin pang bu-magyo noong Biyernes at dumalang ang mga tao sa sinehan, muling nakabawi naman itong noong Sabado at Linggo kung kaya’t base sa nakarating sa aming balita ay nakabawi na ng puhunan at kumita na ang Viva Films.

Marami ang nagsasabing ang A Secret Affair ay masyadong ma-English at hindi nalalayo sa old movie nina Anne at Derek na No Other Woman ang tema, pero gayunpaman, sinuportahan pa rin ito ng mga manonood at patuloy na pinag-uusapan.

Nang makausap natin si Derek sa pictorial ng Kidlat ng TV5, kung saan naroon din sina Nadine Samonte, Ritz Azul, Wendell Ramos, at Baron Geisler, mariing sinabi ni Derek na malaki ang kanyang paniniwala na panonoorin ang kanilang A Secret Affair, hindi dahil sa pagpapakita niya ng katawan.

“Nakakatawa nga kasi, ang laki-laki raw ng puwet ko, bakit daw hindi namin ipakita sa movie. Pumayag naman ako, kasi nga kailangan naman sa movie at ‘yun nga, lumabas naman na maganda,” sabi ni Derek.

Ayon kay Derek, noong bata raw siya lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaibigan dahil sobrang laki ng kanyang puwet. “Masyado ka-sing matambok. Kung noon ay medyo napipikon ako sa mga kalaro ko, ngayon natutuwa ako dahil assets pala ‘yun.”

Hindi raw pagbabawalan ni Derek ang mga matrona at bading na mag-ilusyon sa kanyang katawan. “Basta ang importante sa akin, hindi magiging kanila ito dahil para lang ito sa mga babaeng mamahalin ko,” humahalaklak na pagwa-wakas ni Derek.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Nadine Samonte, may manliligaw na laman-lupa!

  1. Asus! kung mkaarte nmn tong c thunders n c derek kala mo bagets p! kapal mo noh! gurang kna kya wg kna umasta prang bagets!laos kna tandang derek!

Leave a Reply

Your email address will not be published.