Nadine Samonte, magpapakasal na

Nadine-SamonteANG ANAK ni Isabel Rivas na si Richard Chua ang boyfriend ngayon ni Nadine Samonte. Last year ay engaged na ang dalawa pero wala pang date ang araw ng kanilang pagpapakasal.

“Soon, lets see. Baka this year or next year,” say ni Nadine

Tsika ni Nadine, last July 13 nang mag-propose daw sa kanya si Richard na siyempre na ikinatuwa ng actress.

“Nagkakilala kami ng April 7. Nag-on kami ng April 14. After a month, nag-propose na siya in paper ring. After three months, nag-propose siya in a ring. Biglaan ‘yun. Sa Sofitel,” tsika pa ni Nadine.

Ask tuloy siya ng press kung ano ang reaction niya dahil sa bilis ng pangyayari.

“Oo nga eh. Pagkaluhod niya at sinabi na,” Will you marry me?” ang unang sagot ko sa kanya. Are you serious? Seryoso ba ito? Hindi ka ba nagloloko?”

“Nakakagulat lang dahil, ‘di ba, I’ve been in a relationship for seven years? Tapos biglang ganoon. Wala rin. Tapos ‘eto, ang bilis. Ito siguro, it’s not really the time. ‘Yung haba ng relasyon,” katuwiran  ni Nadine.

Ask naman kung si Richard na ba talaga ang makakatuluyan niya?

“Oo, “kaagad na tugon ni Nadine. “Ang daming signs, eh. Saka family ko, gustung-gusto siya. Side niya, gusto ako. Walang negative. Walang against.”

Kahit daw 12 years ang agwat ng edad nila ay handa na siyang mag-asawa at magkaroon ng anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.