Nadine Samonte, leaving showbiz for Chinese boyfriend?

WE HAVE A feeling, basta na lang magde-decide na magpakasal itong si Nadine Samonte sa kanyang Chinese boyfriend. Nang makausap namin siya sa press conference para sa Fragrance of the Stars, isang produkto ng scent at perfume kung saan isa siya sa mga nag-e-endorse, nabanggit nga ng young actress ang mga balak niyang personal.

May tendency na talikuran ni Nadine ang kanyang showbiz career nang mas maaga kaysa inaasahan. Kasi, kino-consider niya ang alok ng kanyang grandparents na manirahan sa Germany. In fact, nag-aaral ng German language ngayon si Nadine. Ang kanyang ina ay kasama rin niyang nag-aaral at nasa level 3 na bale sila ng mga leksiyon.

Sabi pa ni Nadine, “May a-attend-an akong seminar on photography. Kasi, ‘yung offer na fallback sa akin sa Germany kung sakali, has something to do with photography. Bago man lang ako sumabak doon, at least, may alam na ako rito pa lang.”

Hindi naman niya tinukoy talaga na baka maisipan niyang mag-asawa na lang. Pero, kung sakali man, ang naiisip ni Nadine, magpapakasal sila ng boyfriend na si Emerson sa Germany. Ito ay kung mate-take ng BF niyang sumunod sa kanya sa Germany, kung sakali, para roon manirahan. Mahirap din kasing iwan ang business na itinatag ng pamilya ng kanyang BF dito sa Pilipinas, at kadalasan, may mga inaasikaso rin itong negosyo sa Hong Kong.

Nabanggit ni Nadine ang posibleng dahilan kung bakit nagpapakasegurista siya nang ganito. She’s only 21 years old, pero parang natatagalan siya sa pagpapabongga nang husto sa career niya. Although, thankful siya sa GMA 7 dahil nakapagpundar siya ng mga ari-arian at hindi siya nawawalan ng trabaho, hindi umaalis kay Nadine ang mangarap na makapagbida sa isang primetime teleserye.

Baka naman mangyari rin ito. Pana-panahon din lang kasi ‘yun. Anyway, siguro naman ay magdadalawang-isip si Nadine dahil isa siya sa tatlong bida ngayon sa SRO Presents… Suspetsa ng GMA-7, kasama sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.

NAKAKUWENTUHAN DIN NAMIN si Andrew Schimmer sa launch ng Fragrance of the Stars na talang buff na buff ang porma ngayon dahil magdyu-join naman siya ng Miami Fame, isang international bodybuilding competition. A few months from now daw ang lipad niya papuntang Miami para sa kumpetisyong ito, na ilang buwan na rin niyang pinaghahandaan.

Napadako ang kuwentuhan namin tungkol kay Carlos Agassi. Hindi siyempre kumpirmado ang mga chika tungkol sa aktor na mukhang hindi na active sa ngayon. Kasi noon, agad-agad ay gumanda ang katawan ni Carlos at naisulat na nga namin dito na walang dudang nahirati ito sa pagsasaksak ng steroids.

Dito ingat na ingat si Andrew dahil aware siya sa ill effects ng steroids. Nalaman namin kay Andrew na talagang dinale raw ang kidneys ni Carlos ng sobrang paggamit ng steroids hanggang isang araw ay umihi na lang ito ng dugo. Nagkaroon diumano ng renal failure si Amir (palayaw ni Carlos) at ngayon ay nagda-dialysis na ito on a more regular basis kaya lang nakaka-survive.

Sabi nga ni Andrew, nakakaawa raw ang hitsura ni Carlos ngayon na payat na payat. Mas payat pa raw sa amin si Carlos ngayon. Well, we can’t imagine. Lumantad daw kasi ito sa isang bodybuilding event at para ma-camouflage ang kapayatan, patong-patong na makakapal na jackets ang isinuot nito para hindi ma-obvious ang pagbagsak ng katawan.
Palagay namin, sa kuwentong ito ni Andrew, dapat na humantad si Carlos para mapatunayan ang ill effects ng steroids na noon pa’y ipananakot na sa mga bodybuilder na nag-aambisyong maging katulad ni Arnold Schwarzenneger ang pangangatawan. Sa totoo lang, na-shock kami sa mga kuwento ni Andrew.

Muntik na raw na ganito ang sapitin ni Diether Ocampo kung hindi nito agad na-realize na baka sa ganoon din mapunta ang pagpapalaki ng  katawan. Sabay raw kasi halos na nag-alsahan ang mga katawan nina Diet at Amir noon dahil sa steroids, na tiyak namang ide-deny nila.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “Nadine Samonte, leaving showbiz for Chinese boyfriend?

  1. carlos is very much well and healthy andrew is the one maybe using steroids. spreading untrue gossip is a no no.

Leave a Reply

Your email address will not be published.