Nadine Samonte, itanggi ang relasyon sa isnag pulitiko!

AFTER NA magkahiwalay ulit sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua, may mga bali-balitang lumabas naman na diumano’y very much in love na ngayon si Nadine Samonte, pero hindi raw sa lalaking taga-showbiz this time  kundi sa isang pulitiko. Nang makausap namin si Nadine sa Christmas party ng mga cancer patients sa Phillippine Children’s Hospital noong Sabado, December 8, nilinaw namin sa kanya ang tsismis na ito.

Nagulat pa siya dahil ba’t daw mga ganu’ng isyu. Kuwento niya, “Friend ko siya at nagpupunta lang kami sa lugar niya dahil nagsi-show kami kapag may okasyon.”

Nilinaw rin namin sa Kapatid star ang tungkol sa mga mamahaling brand daw ng bag na paboritong iregalo raw sa kanya ng nasabing pulitiko. Say niya, “Hala, bago ko pa siya nakilala, marami na akong mga branded bags.”

Isa pang isyu ang lumutang na dahil daw sa relasyon nila ng pulitikong ito ay bantay-sarado na raw si Nadine ng mga bodyguards in which she vehemently denied. “Wala po akong bodyguard, may mga kasama ako pero road manager ko lang at production assistant. Ni wala nga akong driver kasi ako pa mismo ang nagda-drive. Sana matigil na ‘yung mga isyung ‘yan dahil nakakahiya du’n sa tao.”

 

FEELING LUCKY talaga si Alex Gonzaga ngayong 2012 dahil bukod sa magandang career ay maganda rin daw ang estado ng kanyang lovelife. When we had a chat with her last week, we asked Alex if it is true that she is now taken, she just smiled and said, “Yes.”

Matagal daw muna ang nangyaring ligawan na umabot daw nang halos walong buwan. Nakilala raw niya ang non-showbiz guy na ito through a common friend at du’n na daw nagsimula ang lahat. Matiyaga raw ang Chinese suitor niyang ito at consistent sa ipinakita niyang love for her kaya raw nahulog na rin ang loob niya rito.

Last November, sinagot na raw niya ang binata. Say niya, “Singkit siya, guwapo at sobrang mabait.”

Pinabulaanan naman niya ang balitang dapat ay isang solo-starrer teleserye niya ang opening salvo ng Kapatid Network come 2013 at na-shelve daw ito. Say niya, “Ay wala pong katotohanan ‘yan.  Basta happy ako sa kung anumang proyekto ang ibinibigay sa akin ng TV5.”

 

NAKAUSAP NG maraming entertainment press si Senator Koko Pimentel last Wednesday, December 12 sa ginanap na Christmas party for the press ni Atty. Ferdinand Topacio sa Pasig.

Matalik na magkaibigan sina Senator Koko at Atty. Topacio at nagsisilbing panauhing pandangal ng huli ang una.

Sa maiksing panayam, naitanong sa senador kung bakit niya crush si Cristine Reyes. Saad nito, “Maganda siya.”

Sa mga idolo naman daw niya, si Superstar Nora Aunor ang nangunguna sa listahan dahil daw tumatak sa kanyang isipan ang pelikula nitong Himala na napanood daw niya during his college days. Pero idolo na rin daw niya ngayon si Governor Vilma Santos dahil personal na rin silang nagkakilala. If and when may offer sa kanyang pumasok sa showbiz at papipiliin siya ng isang leading lady, sino kaya kina Nora at Vilma ang kanyang bet makasama?

Natatawang sagot ni Senator Koko, “Si Nora siyempre, kasi single. Si Governor Vilma, asawa ng aking kaibigang si Senator Ralph Recto.”

Nilinaw naman niyang hiwalay na talaga sila ng kanyang asawa sa loob ng labindalawang taon perop magkaibigan pa rin sila.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.