Nadine Samonte, ipapalit kay Sunshine Dizon sa soap – Archie de Calma

NGAYONG OCTOBER 17 ang arrival ni Nadine Samonte mula sa Germany. May magandang pasalubong sa kanya ang GMA-7. Ito ay ang muling pagbibida sa Tinik sa Dibdib.

Umeere na ang nabanggit na soap opera na si Sunshine Dizon ang bida, pero sa hindi malinaw na kadahilanan, as we write this, nagkakaproblema raw kay Sunshine. Hindi na ito makasisipot sa taping. Therefore, kailangang palitan siya bilang si Lorna, ang api-apihang bida na lalaban kalaunan, na sa original movie version ay si Nora Aunor ang nagbigay-buhay.

This will be an abrupt and unexpected change. Sa pagkakaalam namin, hindi papatayin ang role ni Sunshine kundi magpapatuloy lang na iba na ang gaganap. Kung paano ito gagawin ng GMA-7 at ng mga writer nito, ‘yun ang malalaman natin sa mga susunod na araw.

Parang ito ‘yung nangyari noon sa Flordeluna na nang ipagpatuloy ang serye, bigla na lang pinalitan ang lahat ng actors who play the same characters na kinasanayan ng mga manonood. Kaya lang, sa Tinik sa Dibdib, parang napakabilis ng pangyayari na biglang si Sunshine ay magiging si Nadine na.

As we gathered, ito ang magpapatunay na talagang may attitude problem si Sunshine. Naaapektuhan na ang trabaho nito, at ang chika, mayroon din silang hindi pagkakaunawaan ng ina niyang si Dorothy Laforteza.

Ang nakaabot na chika sa amin, super in love na naman daw si Sunshine.

Hay, naku, ‘yan na talaga ang ikasisira niya! Paborito pa naman ng GMA-7 si Sunshine, pero dahil sa perhuwisyong hatid niya sa mga kapalpakang nangyayari sa Tinik sa Dibdib, marami ang naghihintay lang na mabigyan ng magandang break sa GMA-7 kaya wala na sigurong pasensiya ang Kapuso sa network sa mga talent na pasaway.

SUMABAK SA TODONG laplapan na may paglabas-labas pa ng dila sina Sherwin Orodonez at Jao Mapa sa

I Love Dreamguyz.

Ito ang sinasabi ni Sherwin sa amin na grabeng ginawa niya sa pelikula, na ‘di pa niya nagagawa before. Sa Kurap, babae ang naka-sex niya nang todo, si Rajah Montero. May pahapyaw na gay scene sila ni Jojit Lorenzo roon, pero walang sinabi ang mga ito sa todong laplapan nina Jao at Sherwin sa I Love Dreamguyz kung saan si Jao ang gumaganap na gay manager ng group of dancers na kinabibilangan ni Sherwin, kasama sina Marco Moralez, Jay L. Dizon, Miggy Valdez at Mayco Aquino, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Tatawa-tawa na lang si Sherwin sa pagkukuwento sa nakawiwindang na experience na ‘yun. Naging kumportable naman sa isa’t isa sina Jao at Sherwin, and to think na pareho silang family men na may kanya-kanya na ring mga anak, kaya ginawa na lang nila ang dapat gawin bilang bahagi ng trabaho.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

3 thoughts on “Nadine Samonte, ipapalit kay Sunshine Dizon sa soap – Archie de Calma

  1. kahit sino ang ipalit dyan sa soap na yan, wala pa rin. wala rating at mas lalong walang dating. unless bayaran ng bigas at sardinas………………………

Leave a Reply

Your email address will not be published.