Nadine Samonte, gusto maging bida by Archie de Calma

LUMABAS NGA ANG mga hinaing ni Nadine Samonte dahil pagkatapos na iulang ulit siyang makapagbida, bumalik siya sa pagiging “one of those” na lang daw sa Darna ng GMA-7 bilang Babaeng Impakta, isa sa mga makakalaban ng pamosong komiks heroine na gagampanan this time sa telebisyon ni Marian Rivera.

Tumawag si Nadine sa amin at humihingi ng pabor na sana raw, hindi naman lumabas na napaka-ingrata niya sa GMA-7. Pero, subject to criticisms at opinion, ang mga naipahayag ni Nadine, na nadidismaya nga siya (o disappointed) sa mga pangyayari sa career niya.

Wala kaming nakikitang masama rito, maliban na lang sa kung ano ang naging reaksyon ng iba. Hindi kasi kami naniniwalang matutulungan din si Nadine ng kung anu-anong pagtatago sa mga isyu. Sinabi nga ni Nadine na hindi yaon ang inaasahan niyang magiging pag-intindi ng marami sa mga nasabi niya, na siya raw ay happy naman sa trabahong ibinibigay ng Siyete sa kanya.

Ang sa amin lang, mabuti na rin na alam ng mga kinauukulan ang kalagayan ni Nadine. Hindi naman nagmamalaki ang dalaga, at wala siya sa posisyong magpaka-nega. Nagpakatotoo lang siya sa mga nasabi niya, at sana’y hindi ito ipinagsasawalang-bahala ng GMA-7. Mabuti sana kung hindi nakapirma si Nadine ng exclusive contract sa Siyete.

At ang alam namin, usap-usapan noon na kinokonsidera siya sa role na Eunice sa local adaptation ng Koreanovelang Stairway to Heaven katambal sana si Dingdong Dantes, pero sa kung anumang rason, ang role ay napunta na diumano kay Glaiza de Castro.

Bago kagalitan o i-reprimand si Nadine sa mga nasabi nito, dapat sigurong alamin ng mga kinauukulan kung paano masosolusyunan ang pinoproblema ni Nadine sa career niya, ‘di ba?

MAY NAGSABI SA amin na finally ay split na raw sina Lovi Poe at Jolo Revilla. Naku, eh, dapat ay noon pa dahil wala namang nagagawang mabuti ito, lalo sa career ng dalawa. At tama rin lang na nasa Dos na si Jolo at siya ang gaganap na Pepeng Agimat, at stick si Lovi sa GMA-7 at ipunuwesto nga raw siya sa sitcom na Show Me D Manny, with Manny Pacquiao and Marian Rivera.

Hindi na nga masyadong pinag-uusapan ito dahil parang nalimutan na ng publiko na may kaugnayan pala ang dalawa, until gumawa na naman ng ingay si Rosanna Roces at nakaladkad ang pangalan ni Lovi. Tiyak na isa rin ito sa mga rason kung bakit tuluyang nagkalabuan ang dalawa dahil nga sa may mga pressure pang ganyan dahil sa mga intriga kay Jolo, na hindi naman kailangang madamay si Lovi.

Mabuti na lang, hindi na pinatulan ni Lovi ang kontrobersyang ito,kung hindi tuluyan na siyang manenega. Ito ay dahil lamang sa kung anu-anong nababalitaan tungkol sa kanila ni Jolo.

Mukhang nagko-concentrate na si Lovi sa career niya habang nagsu-shoot ng pelikulang Pamilya Sagrado sa direksyon ni Joel Lamangan, hayan at nagpahayag ang manager niyang si Leo Dominguez na stay siya sa GMA-7 kahit nga may mga kumausap na sa kanila sa Dos, and for a while, nasa Lipgloss cast ito ng TV 5.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

8 thoughts on “Nadine Samonte, gusto maging bida by Archie de Calma

  1. she is one of those pretty face, what is counted is … bankable at magaling b syang umarte?

    wl k kwenta2 ang acting nya s mahawi man ang ulap at ga2mbino!

  2. isa si nadine sa magaling umarte na bagohan sa showbiz, sana sya na lang ang jodi ng STH. for sure D aangat ang rating ng STH dahil kay rhian ramos. pag d nagbago si wilma galvante sa pamamalakad nya lalo clang lalamunin ng dos sa rating. panu puro remake at wa talent ang karamihan sa artista nila. si ruffa mae na lang na walang laman ang sinasabi nagiging host, no credibility.

  3. sisihin mo ang head ng artist center na walang iba kundi ang tiyahin ni Rhian Ramos puro rhian rhian dapat ilagay din sa afternoon soap yang si rhian na yan lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.