Nadine Samonte, binasted na si Leandro Muñoz?!

MARAMI ANG NAGTATANONG, binasted ba ni Nadine Samonte si Leandro Muñoz? Bigla kasing naudlot ang dati’y napapabalitang pagkakamabutihan nilang dalawa.

“Ay!” Napahalakhak ang aktres nang matanong namin tungkol dito. “Ayokong magsalita. Leave it as a question mark na lang muna. Ha-ha-ha!”

Binasted nga yata niya si Leandro dahil mas gusto pa rin niya ang ex-boyfriend niyang si Emerson. Hindi kaya nagkabalikan na sila nito kaya deadma na siya kay Leandro? “Hindi. Hindi pa.”

Pero nililigawan siya ulit ni Emerson? “Nagti-text-text siya. Hindi naman nga nawala ‘yong pagti-text niya sa akin eversince, e.”

Pero ‘yong effort nito na nagpaparamdam na gustong makipagbalikan? “Tingnan natin. Hindi ko rin naman napapansin pa.”

Eh, si Leandro? “Hindi ko rin alam.”

Baka naman meron siyang nakita kay Leandro na hindi niya nagustuhan kaya parang naudlot ‘yong dating namumuo na sanang something special sa pagitan nila?

“Hindi naman. Wala naman akong masasabi. Kasi si Leandro naman, parang ako. Parang siya ‘yong lalaking version ko sa pananaw at sa pag-iisip. So… hindi ko masabi!” Napahagikhik ulit si Nadine.

So parang hindi niya gusto na sa magiging boyfriend niya ay nakikita pa rin niya ang kanyang sarili? Na kapareho pa niya ang personalidad ng magiging karelasyon niya.

“Ah… puwede ring dahilan iyon. Ha-ha-ha!”

May iba pa bang dahilan? “Kaya nga sabi ko sa inyo, question mark muna, e.”

So pinatigil muna niya sa panliligaw sa kanya si Leandro? “Uhm… we’re friends. We’re friends.”

Pero naging sila ba before? Almost na naging sila?

“Hindi masyadong… parang… friendship lang talaga. Oo. Gano’n lang,” sabi na lang ni Nadine.

 

MAGANDA ANG FEEDBACK ng mga nakapanood ng special screening ng Budoy, bagong serye sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. May mga pumupuri rin sa performance ng young aktor bilang isang binatilyong kulang ang pag-iisip.

Mariin ngang nasasabi ni Gerald na wala munang lovelife at sa kanyang career muna siya nagpu-focus ngayon. Talagang kaya niyang tiisin na wala muna siyang special someone?

“Talagang gusto ko lang muna pong mag-focus sa trabaho. Kumbaga, role of a lifetime nga itong Budoy so gusto kong mag-concentrate dito.”

Ano lang pala ang kadalasan niyang ginagawa sa mga miminsang pagkakataon na free siya from work?

“Nagba-baskteball ako kasama ko ‘yong friends ko. Nanonood ako ng TV o ng sine. ‘Yong mga gano’n.

“Kapag free time talaga, marami rin akong ginagawa para sa sarili ko.”

Nakapagsimula na silang mag-shooting ni Sarah para sa pelikulang pinagtatambalan nila. How was it working again with the Pop Princess?

“Oh… reunion! Siyempre masaya. Mas nakilala ko na siya nang mas malalim. So… masaya. And marami pa kaming shooting days na pagsasamahan. So marami pang mangyayari.”

May tendency bang magkagustuhan din sila kagaya ng ibang nagiging magkatambal sa trabaho?

Nangiti ulit si Gerald. Eh… siyempre, gano’n po talaga. Hindi po namin isinasara ‘yong possibility. Kung mangyayari, mangyayari.”

Pero right now, nasaan na ‘yong level ng magandang samahan nila ni Sarah?

“Oh… friends! Malalim na po ‘yong mga pinag-uusapan namin. Mas marami na kaming mga pinag-uusapan.”

Tungkol naman saan ‘yong mga mas malalim at mas marami na nilang napag-uusapan ngayon?

“Secret!” natawang sabi na lang ng young actor. “Sa amin na lang iyon. Pero…. alam mo ‘yon? I’m just happy na nakasama ko siya ulit.”

Hanggang gaano kaya katagal na wala siyang lovelife? Aabot ba ng Pasko?

“Tingnan natin. Alam mo kung single pa rin ako sa Pasko, hindi naman ako malungkot, eh. Marami rin naman akong kasama. At marami pang puwedeng mangyari.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

3 thoughts on “Nadine Samonte, binasted na si Leandro Muñoz?!

  1. yeah it’s true..napancn q dn un..obvious nman na malaking gimmick lang cla eh..parang bigla nalang clang nghiwalay xe tapos na ung show nla tapos ngaun c alex gonzaga nmn inililink..ano b yn..puro na lang cla gimmick wala ng totoo..

  2. NAGKANTUTAN NG NAGKANTUTAN MUNA CNA LEANDRO AT NADINE BAGO BINASTED NI GIRL C BOY O BAKA NMAN NABANTUTAN C LEANDRO SA KEPYAS NI ANDINE NA AMOY BULOK NA DAGA…BWAHAHAHAHAHA

  3. ito pa ang isang gimmick, unang una sinabi ni leandro na happy siya sa america dahil meron na siyang pamilya doon. pero ng mag simula na ang teleserye nila eh bigla nlang nawala ang pamilya niya sa america at biglang na in love kay nadine….wala nb kayong ibang gimmick!!!!!! ginagawa ninyo tanga ang mga tao dito!!!!! mga ulol!!!!!!