Nadine Samonte at Maxene Magalona, panghapon lang ang ganda?

NAKATANGGAP KAMI NG email mula sa isang avid Kapuso fan na puring-puri sa ‘My Lover, My Wife’, ang Dramarama sa Hapon program na pinagbibidahan nina Maxene Magalona at Nadine Samonte with Luis A-landy as their leading man. Sa totoo lang, biglaan lang ang proyektong ito. Dapat ay ang teleseryeng ‘Sisid’ ni Jackie Rice muna ang ipapalabas. Nagkataon lang na na-delay ang shooting nito dahil hindi agad natuto ang Ilumina star sa paglalangoy.

Hindi na bago sa panghapong teleserye sina Maxene at Nadine. Sa katunayan nga, silang dalawa nga ‘ata ang naglalaban noon sa paramihan ng pinagbidahang Sine-novela. Hindi rin naman sila magpapatalo sa ibang Kapuso girls kung pagandahan at kaseksihan din lang ang pag-uusapan. Lalo namang wala silang uurungan pagdating sa aktingan. Pareho nilang kayang gampanan ang bida at kontrabida roles. Ika nga nila, versatile sila sa dramahan.

Kahit na sabihin natin na bida silang dalawa ngayon sa isang teleserye, hindi pa rin natin maitatanggi na hindi na sila kasing-sikat tulad noong mga nakaraang taon. Bata pa lang ay sumabak na sa showbiz si Maxene bilang isa sa host ng programang 5 and Up. Nang magdalaga, tuluyan na rin nitong pinasok ang pag-aartista. Napagsabay nito ang kanyang showbiz commitments at pag-aaral. Sa katunayan nga, siya ang unang pinili para sa papel na Alwina sa Mulawin. Sila sana ni Richard Gutierrez ang balak i-build up ng Siyete noon. Nang tanggihan nito ang proyekto, ipinasa ito kay Angel Locsin. Hindi naman natin maipagkakailang sikat na sikat pa rin si Angel kahit pa nasa bakuran na ito ng Dos ngayon.

Si Nadine Samonte naman ay mas masuwerte kumpara sa mga babaeng nakasabayan niya noon sa Starstruck. Natalo man siya kina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi, mas nauna pa rin itong nabigyan ng solo teleserye (Ikaw sa Puso Ko) at pelikula (Forever My Love). Sunud-sunod din ang mga naging projects at endorsements nito. May mga loyal fans din naman si Nadine, pero hindi ito sapat para ipagkatiwala sa kanya ang malalaking mainstream projects.

Sa ngayon ay tila kuntento na sina Maxene at Nadine sa kasalukuyang estado ng kanilang showbiz careers. Pareho rin silang may non-showbiz boyfriends. Hanggang panghapong drama na lang ba ang beauty ng dalawang Kapuso stars na ito? Ano sa palagay ninyo?

For comments, questions and suggestions, kindly email us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

About the Author

has written 54 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Nadine Samonte at Maxene Magalona, panghapon lang ang ganda?

  1. mas versatile si nadine. dapat si maxene magkontrabida for sure lalabas na natural lang sa kanya hahaha si saab magaling eh nakakagigil

Leave a Reply

Your email address will not be published.