Parazzi Chikka: Nadine Samonte, ‘di tanggap ang pagiging impaktita?!


NAKASAGAP KAMI NG chikka mula sa mga taong nakasaksi ng grand press launch ng Darna na pagbibidahan ni Marian Rivera. Kumpleto ang mga makakalaban ni Darna with their matching scary yet sexy costumes na sina Ehra Madrigal, Francine Prieto, Krissa Mae Arrieta, Maggie Wilson at si Nadine Samonte.

Dali-dali raw umalis agad si Nadine para iwasan ang mga press. Pagkaraan ng ilang araw, lumabas din ang tunay na saloobin ni Nadine. Nasasaktan ang dalaga dahil tila ‘one of those’ na lang siya knowing the fact na ilang beses na siyang nagbida sa afternoon series ng Siyete at naging lead superheroine na rin sa Super Twins, kung saan nanay niya si Marian Rivera na gumanap bilang Esther.

Hmmm… mukhang hindi na nga talaga mapigilan ni Nadine ang pagkadismaya n’ya sa nangyayari sa karir n’ya sa Siyete. Kasi nga naman, nakatungtong na siya sa lead status noon tapos biglang pa-support support na lang. Ano kaya ang masasabi ng home network niya rito?

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

Click to enlarge.

Related Post

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Nadine Samonte, ‘di tanggap ang pagiging impaktita?!

  1. wala talagang alam ang gma 7,tignan u ang nangyari sa carir ni nadine samonte…oo inabangan ku lahat nga soap afternoon ni nadine magaling talaga syang artista..pang primetime sya at pang bida..ngayun sa role nya sa darna pasuport soport na lng,hnd karapat dapat kay nadine yan…isa rin si nadine samonte na magaling jan sa gma 7,ang masasabi ku lng kay nadine pag may offer ang dos takbuhan muna agad nag gma 7,wala si lng alam jan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.