Nadine Samonte’s Time to Shine?

Tsinugi na nga nang tuluyan si Sunshine Dizon sa Sinenovela Presents Tinik sa Dibdib dahil diumano sa kundisyon ng kanyang katawan. May mga espekulasyon na buntis daw ito kaya maninirahan muna sa Amerika kasama ang ama.

Kagulat-gulat ang ganitong pangyayari kasi halos isang buwan na ring umeere sa Dramarama sa Hapon ng GMA ang Tinik sa Dibdib. Medyo weird lang siguro kung inumpisahan mo ang isang telenobela na si Sunshine ang bida at sa bandang gitna ay ibang mukha na ang gaganap bilang Lorna.

Teka, tama na nga muna iyan! Out na si Sunshine sa palabas kaya pag-usapan na lang natin kung sino ang pumalit sa kanya.

Si Nadine Samonte ang napili ng GMA-7 para pumalit kay Sunshine. Siya nga raw ay uuwi pa mula Germany para gawin lang ang proyekto. Kung inyong matatandaan, nagparinig na rin si Nadine minsan sa GMA-7 tungkol sa kinahinatnan ng kanyang karir. Feeling niya, ‘one of those’ na lang siya ng Siyete knowing the fact na ilang beses na rin itong nagbida sa panghapon at kahit sa primetime.

Tumatak sa manonood ang papel niya bilang Babaeng Impakta sa Darna. Pinatunayan ni Nadine na marunong talaga siyang umarte at hindi lang basta ‘one of those’ starlets ng Kapuso network.

Ang Tinik sa Dibdib na ang ikatlong Sinenovela ni Nadine. Una siyang lumabas sa Kung Mahawi Man Ang Ulap kasama sina Dennis Trillo at Iwa Moto. Si Polo Ravales naman ang nakapareha niya sa Maging Akin Ka Lamang and ironically, pinalitan niya si Jennylyn Mercado sa proyektong ito dahil bigla itong nabuntis.

Ngayon na magbibida muli si Nadine sa TV, is this finally her time to shine?

May request o tanong ka ba? E-mail na sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin na rin kami sa http://www.pinoyfansclub.com

loading...

One thought on “Nadine Samonte’s Time to Shine?

Leave a Reply

Your email address will not be published.