Nadine Lustre, masusubukan sa bagong movie minus James Reid

Nadine-LustreHINDI NA talaga madi-deny, sikat na sikat na si Nadine Lustre, ha!

Nagpu-promote kasi ngayon ang Viva Films ng bagong horror film nilang Chain Mail na pagbibidahan ng talents nilang si Shy Carlos at AJ Muhlach.

Kasama rin dito sina Mark Bautista, Meg Imperial, at may special participation nga rito si Nadine Lustre.

Si Nadine yata ‘yung gumaganap na multo na kinunan siyang mag-isa lang at isiningit sa mga eksena. Buong pelikula nandu’n siya, pero isang araw lang yata ang shooting.

Ang tsika kasi, meron na raw silang nakuhang multo pero parang hindi nagustuhan, tinapon ang mga eksenang ‘yun at si Nadine ang ipinalit.

Kaya siya ang kinuha dahil siyempre sikat, kaya malaking bagay na merong Nadine Lustre sa isang pelikula na hindi pa ganu’n kakilala ang mga bida.

Malaking tulong naman talaga sa pelikulang ‘yun na merong Nadine Lustre. ‘Yun nga lang, wala si James Reid, kaya rito masubukan kung makatatayo ba kahit wala ang JaDine loveteam.

Du’n sa press conference ng Chain Mall, natanong na rin kay Nadine ang isyung may mga fans daw ito na inisnab nu’ng nag-taping sila sa Amerika.

Sabi naman Nadine, hindi siya isnabera sa mga fans. Nangyari raw ‘yun nung may meet and greet sila sa mga fans, at ang daming tumatawag sa kanya. Siyempre, hindi nga naman niya masagot ang lahat na tumatawag sa kanya.

Ganu’n talaga ‘pag sikat ka, mga ganu’ng maliit na bagay, lumalaki dahil siyempre sikat nga!

NAKU! GUSTO ko nga palang linawin uli na wala akong Twitter account, Facebook, Instagram, at kahit anong social media account diyan.

Kasi hanggang ngayon, naririnig ko pa rin na may mga gumagamit ng pangalan ko sa mga social media account nila at kung anu-ano ang ginagawa gamit ang pangalan ko.

Kaloka! Ngayon lang nga ako natutong mag-text, pati ba naman ‘yang mga Instagram, Twitter, at kung anu-anong social media account, pagbuhusan ko pa ng pansin. Wala akong panahon, ‘no!

Kaya kung may nakikita kayong account diyan na gamit ang pangalan ko, wala akong kinalaman diyan. Hindi ko alam ‘yan at lalo namang hindi ko utos ‘yan!

Kung magkaroon man ako, sasabihin ko naman ‘yan sa Startalk, pero malabo talaga siguro!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleSunshine Cruz, ‘di magdadalawang-isip mamaril at magpasabog ng granada
Next articleJohn Lloyd Cruz, pasok sa serye nina Maja Salvador, Jericho Rosales, at Paulo Avelino

No posts to display